Babalatan din sa Mababang Kapulungan
ng Kongreso ang umano’y mga katiwalian sa Presidential Commission
on Good Government (PCGG) kasali na rito ang paglustay ng umaabot
na sa $3.5 milyon (P150 million) na pinambayad sa mga law firms
upang hadlangan ang class suit ng mga Marcos victims at ang junket
trip ng ilang empleyado at kamag-anak ni PCGG Chairman Camilo Sabio.
“Nag-request na ang Claimants 1081 kay Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel
na mag-file ng resolusyon para sa agarang pag-imbestiga sa mga ginastos
ng PCGG sa mga American lawyers at ang anomalous practices ni Mr.
Camilo Sabio at ng kanyang junket gang,” ani dating Akbayan
Rep. Loreta Ann Rosales, chairperson ng Claimants 1081 at chair
emeritus ng Akbayan.
Sa pakikipagharap nito sa isang press briefing sa Bantayog ng mga
Bayani sa Quezon City, hiningi din ng nasabing organisasyon ang
pagbibitiw ni Sabio bilang PCGG chairman.
“O sundin na lamang ni Sabio ang ginawa ni dating Commission
on Elections chairman Benjamin Abalos,” ani Rosales.
|