GABAY NG DIYOS

Abuso sa ambulansya
(Eralyn Prado)

 

Babala para sa mga empleyadong ginagamit lamang para sa kanilang pansariling lakad ang mga government ambulances.


Ito’y dahil isang panukalang batas ang isinusulong sa Kamara na magpapataw ng kaparusahan sa sinumang kawani ng pamahalaan na ginagawang personal service ang mga government ambulances.


Sa House bill 1305 na inihain ni Cebu Rep. Nerissa Corazon Soon-Ruiz, nakapaloob dito ang pagpapataw ng suspension without pay sa loob ng 30 araw para sa unang offense ang sinumang mapatunayang government employees na ginagamit sa pansarili nitong lakad ang ambulansya ng pamahalan.


Samantala para sa second offense, anim na buwan namang suspension ang ipapataw ‘without pay’ habang termination mula serbisyo kasama ang pag-alis ng lahat ng retirement benefits at perpetual disqualification mula sa public service para sa third offense.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section