GABAY NG DIYOS

Overloading sa Holy Week babakuran

Nina Juliet de Loza at Nilo Marasigan

 

Hindi papayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga opisyal ng mga shipping lines sa buong bansa na makapag­layag sa karagatan ang kanilang mga barko kung overloaded.


Ayon sa PCG, ito ay upang maiwasan ang mga trahedya ngayon Semana Semanta.


Nabatid na ngayon pa lamang ay naka-heightened alert na sila upang tiyakin ang mga pasaherong magbibiyahe sa pamamagitan ng barko na ligtas ang mga ito sa biyahe.


Nagtalaga na ng mga paramedics at sea marshals ang PCG sa iba’t ibang pier sa bansa .


Sinabi rin ng PCG na mahigpit nilang iinspeksiyunin ang mga sasampang pasahero sa mga barkong bibiyahe ngayong Mahal na Araw upang tiyakin din na walang mangyaya­ring overloading at walang maisasakay na anumang uri ng pampasabog.


Magpapakalat din ng mga K-9 units ang PCG upang siyang maghanap ng mga ipupuslit na droga, at mga pampasabog sa pangambang sumabay ang mga terorista sa panahon ng bakasyon.


Samantala, magtatayo ang pulisya ng 37 public assistance centers sa buong Metro Manila upang matiyak na magiging maayos ang long Holy Week vacation sa susunod na linggo.


Ayon kay National Capital Region Police Office Spokesman, Superintendent Rhodel Sermonia, makakatuwang ng pulisya sa pagmamando ng mga ito ang mga kaalyadong non-government organization, volunteer groups at local government units (LGUs).


Todo bantay din aniya ang gagawin ng pulisya sa mga bus terminals, mass public transport na MRT/LRT, simbahan at iba pang matataong lugar.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section