Kahindik-hindik ang huling kabastusan sa bunganga ng
isang ranking government official dahil kahit ang size
ng pagkalalaki nito ay ginawa niyang tampulan ng biro
nang minsang dumalo sa Malacañang.
Takip-tenga na ikinuwento kay Mang Teban ng isang miron
ang huling kabalastugan ni government official na kilala
sa pagiging taklesa o aral sa paggamit ng mga bastos
na pananalita kahit na maraming nakapaligid
na tao.
Ang siste, minsang may pinangunahang seremonya
sa Malacañang ay biglang naihi itong si taklesang
government official kung kaya mabilis itong tumalilis
patungong comfort room.
Nang makita na sinusundan ito ng mga taga-media ay ipinaalam
ni government official na babalik siya at iihi lamang
sabay-dagdag na maliit lang naman ang ari niya kaya
walang masisilip sa kanya.
“Wala naman kayong makikita eh, maliit lang ‘yung
akin,” tila pagyayabang pa ni taklesa na ngingiti-ngiti
nang matigilan ang mga sumusunod sa kanya.
Ang nakaka-shock pa rito, karamihan ng mga nakarinig
sa bulalas ni taklesang opisyal ay mga kababaihan na
nakasunod sa likuran nito.
Ang pagbibiro ni government official gamit ang bastos
na lengguwahe ay hindi na bago sa ugali nito dahil minsan
na itong naintriga at nasulat sa mga news items nang
magbitaw ng masakit na biro sa isang reporter.
Pintahan n’yo na: si taklesang government official
ay isa sa mga nangangarap na maging Presidente sa 2010
at ito ay itago na lamang natin sa inisyal na DC.
|