Nakapanood ba kayo ng “The Sweet Life”
last Thursday – March 13, 2008, alas-siyete ng gabi sa QTV-11
sa programa nila Ms. Lucy Torres-Gomez at Ms. Wilma Doesnt?
Ang inyong lingkod po ay naging guest kasama ang iba pa nating magagaling
na designers na sina Nickie Martinez, Jon and Louie, and Mr. JC
Buendia .
Kami ay nagpakita ng aming mga design collections para sa JS PROM
at Graduation Ball. Ipinakita namin sa programa ang mga iba’t
ibang designs na maaaring suotin ng mga estudyante para sa babae’t
lalaki.
Nagbigay kami ng mga tips kung ano ang mga uso na damit sa mga okasyon
katulad nito – ayon kay Nickie Martinez - “I get my
inspiration sa Japanese Geisha that’s why I was able to incorporate
it to my designs- Short dress is back for the Prom para tipid sa
gastos.”
Sa dalawang duo designer team na sila Jon and Louie - “we
get our inspirations from Greek Godesses or Grecian mood with drape
detailed” at ayon sa kanila shawl is out 5 minutes ago kaya
you can be daring as possible you can by not covering it with shawl.
Samantala sa pamosong designer ng damit panlalaki na si Mr. JC Buendia
ay nagbigay din ng kanyang tips para sa lalaki - “It is important
for a man to invest on a pair of suits”. Ayon sa kanya, importante
na magkaroon ng “suits’’ (pormal na blazer at
pantalon) para sa mga pormal na okasyon tulad ng prom at graduation
ball.
Ang design ng suits ay nagkakaiba sa mga detalye tulad ng mga collars,
lapels, darts, shape at haba ng blazers. Vest is also ‘in’
para kung pagkatapos ng okasyon and you are out for clubbing, just
unite your neckties o kaya put handkerchief sa breast pocket ng
vest then you are ready to party all night.
...Sound of Music? Musical notes were my inspiration sa aking collection.
Ang mga designs ng mga damit ay usually nanggaling
sa mga estudyante and all I have to do is enhance it . Sinasabi
ko rin sa kanila kung bagay ba sa kanila o hindi yung design na
kanilang napili or else I will change it to what exactly would fit
them.
Sa kulay naman, I suggest dark or bright colors tulad ng red, purple,
fuschia pink, orange or canary yellow para kapansin-pansin ka.
But again it will all depends sa skintone ng kliyente. Strapless,
halter, tube dress, V -neck, venus cut or one sided shoulder are
still IN.
Ang mga style na ito ay depende din sa mga korte ng katawan ng magsusuot.
Kaya kung may mga tanong kayo para sa mga style ng gown just text
me sa 09158696078 o kaya gusto ninyong magpagawa pwede rin.
Pumunta lamang sa aking shop sa 136 Gloria Diaz
St. BF Resort Village Las Pinas City o kaya tumawag para magpa-appointment
sa telepono -look for Baby sa 872 1173.
|