Bare shoulders & red dresses sa Oscars



Gaya ng inaasahan, inuwi ang mga parangal sa iba’t ibang kategorya ng 2008 Oscars na in-aanounce sa 80th Annual Academy Awards ceremony noong February 24. Wagi rin naman ang maraming kasuotan sa gabing ito.


Mismong ang mga Hollywood’s leading ladies ang nagpakulay sa red carpet sa naganap na 2008 Oscars kung saan marami sa kanila ang nagsuot ng red dresses at nakitaan din ng bare shoulders na bidang-bidang atraksyon sa naturang event.


Mistulang modern goddesses ang mga celebrities sa kanilang mga gowns tulad nina Anne Hathaway in Marchesa at Katherine Heigl in Escada na parehas na suot ang one-shouldered floor-length styles. Ang red dress naman ni Heidi Klum ay itinuturing na pinaka dramatic na kasuotan na gawa ni John Galliano.


On the other end of the spectrum, dark gowns naman ang inirampa nina Jennifer Garner, Hilary Swank at Penelope Cruz. Tinernuhan ni Garner ang kanyang kasuotan ng wide tiered skirt na may necklace na gawa sa 61 carats of Van Cleef at Arpels diamonds. Suot naman ni Swank ang black Versace at drop earrings. Ang navy blue organza dress naman ni Cruz ay disenyo ni Karl Lagerfeld for Chanel Haute Coutoure at embroided ito ng mga feathers.


From the famous appeal ng red carpet, may Oscars Disasters din namang spotted sa gabing ito at silay sina...


Faye Dunaway, naka-gold dress; Diablo Cody sa kanyang Dior gown;

Jennifer Hudson sa kanyang white halterneck; Tilda Swinton sa kanyang black one-sleeved bat-wing Lanvin frock na pansing wala ring makeup.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section