Alam mo ba kung ano ang style? Ang style ay paraan ng pagdadala
ng damit o pagpapares ng damit na iyong susuotin, not the clothes
themselves. Ito ang ilang tips para maging guide mo sa pagpili ng
mga damit na babagay sa iyo:
* Hangga’t maaari, iwasan mo ang sumunod sa kung anong uso
every season lalo na kung basic wardrobe ang pag-uusapan.
* Huwag mong bilhin ang mga damit na nakikita mo sa magazines.
Humanap ka ng damit na okey sa iyo at kumportable
ka. This comes with being honest and true to yourself.
* Huwag kang paalipin sa fashion, magsuot ka ng ayon sa iyong body
type.
* Kahit ano pang ganda mo sa Prada, anong seductive mo sa Victoria’s
Secret o gaano ka kabango sa Eternity, kung hindi naman flattering
sa iyo ang mga ito, magiging cheap kang tignan.
* Dapat ang iyong suot ay maglalabas ng iyong personality, not the
personality of the store’s salesperson.
Tandaan mo na clothes say more about you than you can imagine.
|