FIELD REPORTER, TYPE SAMPALIN NI DINA!

 

HINAHUNTING o wanted kay Dina Bonnevie ang isang field reporter ng Startalk ng GMA 7. Type nga ni Dina na kumprontahin ang naturang field reporter.


Sabi pa ni Dina, baka masampal niya ang natu­rang field reporter sa sandaling makita niya ito. ‘Yun nga lang, patawa-tawa si Dina habang sinasabi niya ‘yon, at mala­mang na nagbibiro lang siya, at hindi talaga mananampal.


Hindi ko na lang babanggitin ang name ng field reporter ng Startalk.


Anyway, nagalit si Dina sa naturang field reporter dahil sa inilabas umano na interview ng Startalk tungkol sa naging pahayag niya kay Kristine Hermosa.


Dahil daw sa interview niyang ‘yon ay pinaga­litan siya ng anak niyang sina Oyo Sotto at Danica Pingris.


“Ang sama mo naman, mommy!” say pa raw ni Danica kay Dina.


Anyway, sa interview raw kasi ni Dina ay parang lumabas na tutol siya kay Kristine para kay Oyo. Eh, hindi naman daw ‘yon ang gusto niyang sabihin tungkol kina Oyo at Kristine.


“Misquoted ako,” sabi pa ni Dina.


“Pinagalitan ako ng mga anak ko. Ang sinabi ko lang naman, huwag na lang si Kristine. In-edit nila ‘yung interview kaya parang lumabas na ayoko kay Kristine.


“Hindi ‘yon ang laman ng interview. Ang gusto kong sabihin, huwag na lang tungkol kay Kristine ang itanong sa akin dahil ayoko na ngang mag-comment.


“Sabi ni Danica, hindi naman ‘yon ang lumabas. Nagpunta raw si Kristine kay Danica at iyak nang iyak. Masama ang loob niya dahil ang daming nagti-text sa kanya ng kung anu-ano.


“Sabi nga ni Kristine, bakit hindi na lang siya pabayaan, gusto lang niyang magtrabaho.


“She’s not referring to me, siguro nga napi-pressure na rin ‘yung tao sa dami ng mga intriga sa kanya.


“Kaya nga as much as possible, ayokong magpa-interview sa mga talk shows kasi nga palagi na lang akong nami-misquote, dahil pinuputol nila ang interview, kaya iba ang lumalabas.


“Nag-comment ako about Angel (Locsin) noon, nag-away kami ni Oyo. Nag-comment din ako noon kay Anne (Curtis), sumama ang loob sa akin ni Oyo.


“Hindi ako stage mother na nakikialam sa perso­nal na buhay ng mga anak ko. Nakikialam lang ako ‘pag alam ko o sa palagay ko ay mapapasama na ang anak ko, o masasangkot sila sa isang tiyak na gulo which is a very natural instinct sa isang ina.


“Ang sabi ko lang kay Oyo, huwag siyang maki­alam sa gulo nina ni Kristine at Diether (Ocampo), dahil mag-asawa ‘yon.


“Sabi niya sa akin, hindi raw siya nakikialam.


“Ayokong lumalabas na masama sa paningin ng mga anak ko. Kaya nga kapag may pupuntahan akong presscon, sinasabi agad sa akin ni Danica, na mag- ingat ako at baka ma-misquote ako.”


Anyway, humupa naman agad ang galit ni Dina noong ipaliwanag namin sa kanya na hindi kasalanan ng field reporter kung ano man ang lumalabas sa interview, dahil hindi naman ito ang nagsusulat ng istorya.


May kanya-kanyang manunulat ang bawat segment sa mga talk show. Sila ang gumagawa ng kuwento na na ayon sa kanilang pananaw.


“Ah, ganoon ba? Sige, hindi na lang ‘yung field reporter ang sasampalin ko. ‘Yung writer na lang ang hahanapin ko!” say ni Dina.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section