Jenny, nadonselya ni Marvin!
(RUEL MENDOZA)

 

MAINIT at nakapapaso ang mga eksena nina Jenny Miller at Marvin Agustin sa GMA primetime drama na Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

Hindi nga mabilang ni Jenny kung ilang beses na naglapat ang mga labi at katawan nila ni Marvin.


Sabi ni Jenny, hindi na siya umarte pa sa mga maiinit na eksenang iyon dahil matagal na niyang kaibigan si Marvin. “First time ko ‘yon. Si Marvin ang una ko sa mga ganung eksena sa TV,” sabi ni Jenny, na mistulang nadonselya talaga ni Marvin.


“Usually mga comedies ang ginagawa ko na nagpapa-sexy lang. Dito talagang hindi na ako nagdalawang-isip na gawin ang mga hot scenes na iyon with Marvin. Unang-una, maganda at malaki ang project tapos ang director pa namin ay si Joel Lamangan. Kaya sino naman ang ‘di papayag, ‘di ba?” sabi na lang ni Jenny.


 
 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section