Rufa Mae, binili ng P30 million?
Ni JUN NARDO

 

OKEY lang kay Rufa Mae Quinto ang maging baby-maker. Pero si­yempre, sa pelikula lang ‘yon. Katunayan, baby-maker ang role niya sa Manay Po 2 Overload.


Bongga talaga ang career ni Rufa Mae, dahil balita na pumirma na siya ng kontrata sa GMA Films, na diumano ay nagkakahalaga ng P30M?


Makakasama pa rin si Rufa Mae sa pelikulang pagbibidahan ni Gabby Concepcion (matutuloy pa ba?), Jolina Magdangal, Mark Herras at Rhian Ramos.


Sabi nga, kinabog ni Rufa Mae si Regine Velasquez sa kontrata niyang pinirmahan sa GMA Films.


“Naku naman, more pa! Ay, more pa! Hindi! Ha! Ha! Ha!


“Hindi ko pa alam kasi depende pa sa gagawin kong trabaho, eh. Marami namang nakaplanong projects for me. Malamang, siguro, dadami ‘yung pera!


“Wala namang ganoong amount! Tsismis lang ‘yung P30M! Nakakahiya naman ‘yon! Dapat bang sinasabi? Oo, huwag na lang, kasi mas malaki pa roon! Charing! Ha! Ha! Ha!


“Huwag na lang si Regine ang ikumpara niyo sa akin! Kaibigan ko ‘yon!”


Bagama’t mga tsismis na hindi na makakasama si Gabby sa pelikula ng GMA Films, naniniwala si Rufa Mae na matutuloy pa rin ang pagsasama nila.


“Ang alam ko tuloy ‘yon! Aalis na kami sa end of the month. Hindi ko lang alam kung sino ang buong casting. Alam mo ba ‘yon?” buwelta niya sa amin.


Parang hindi na yata tuloy si Gabby?


“Oo nga raw. Pero matutuloy naman daw. Baka kumuha na lang ng kahawig ni Gabby! Ha! Ha! Ha!


“Meron kaming Mark Herras. Naririnig ko lang naman ‘yon. Hindi pa sinasabi. GMA Films na bahala roon. Bahala na silang mag-isip. Hindi ko pa siya na-meet ever! Bahala na,” sey pa rin ni Rufa Mae.


Sino ang gusto niyang maging kapalit ni Gabby, if ever?


“Well, okey sa akin si Dingdong or Dennis Trillo!” sagot niya.


Si Dennis?


“Wala, gusto ko siyang makasama,” katwiran niya.


Baka muling bumalik ang tsismis sa kanila?


“Okey lang binulgar na naman ‘yung tsismis! Ha! Ha! Ha!” kaswal na sagot ni Rufa saka huma­lakhak!


Baka madugtungan ang tsismis?


“You will never know as a single wo­man! Ha! Ha! Ha!” dagdag pa niya.
Teka, okey ba sa kanya na maging baby-maker?


“Ay, bakit ko naman gagawin ‘yon? Ayoko! Eh, kung sarili ko ngang dyowa, hindi ko ginawan ng anak! Ha! Ha! Ha!


“Sa ngayon, bata pa naman ako. Siyempre, ‘pag tagal-tagal, gusto ko ring maging mo­ther ng baby! Matagal pa ‘yon!”


Siyanga pala, may nagbibigay inspirasyon ngayon kay Rufa Mae na isang executive sa malaking kumpanya sa Hong Kong. Sa susunod na column na lang namin isusulat.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section