KAKAIBA na naman ang presentasyon sa presscon
ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita, ng GMA 7. Nilagyan nila
ng konting drama, na parang isang tunay na eksena sa pelikula.
Nagbatuhan kasi ng malulutong na linya ang pangunahing bida
na si Dina Bonnevie at kontrabida na si Glydel Mercado. Nagmistulang
gatecrasher sa party ni Dina si Glydel.
Sayang nga lang at hindi namin masyadong narinig ang boses ni Dina,
dahil mahina ang lapel mic niya.
Anyway, base sa trailer ng Babangon…, halatang ginastusan
talaga. Impressive ang party scene na naging massacre scene na sinalihan
ng mga helicopters, sabugan at kung anu-ano pang eksenang maaaksyon.
At kumpleto talaga, dahil bukod sa drama, hinaluan pa ito katakut-takot
na laplapan at sex.
***
Sa presscon pa rin ng Babangon…, pinagkaguluhan ng entertainment
press si Patrick Garcia. Siyempre pa, ang tungkol sa problema nila
ni Jennylyn Mercado ang inusisa sa kanya.
Hindi naman naging maramot si Patrick sa sunud-sunod na maiintrigang
tanong sa kanya ng mga press. Sinagot nga ni Patrick ang lahat
ng tanong, lalo na ‘yung tungkol sa pagpunta niya sa Amerika,
para takasan ang obligasyon kay Jen.
“Dapat talaga pupunta ako sa Amerika para mag-aral. I said
that a long time ago pero may project pa ako sa GMA, so, dito muna
ko. Saka nabuntis si Jen, eh.”
Kumusta na ba talaga ang sitwasyon nila ni Jen?
“Hindi pa kami nag-uusap kasi pinalitan niya ang number niya,
eh. So, hindi ko siya matawagan.
“Gusto ko siyang puntahan sa bahay pero hindi ko alam kung
ano ang magiging ano (treatment) sa akin doon. Baka hindi ako welcome
or I don’t know how...” rason niya.
Ayon pa sa aktor, hindi rin sila nagkikita sa church ni Jen, kahit
sinasabing pareho sila ng Christian church na pinapasyalan.
Sa tingin ko, litung-lito na si Patrick sa nangyayari sa kanila
ni Jen.
“Hindi ko rin alam. Pati ako nagtataka sa pangyayari. Kasi,
I really don’t know. May mga reklamo siya. Maybe it’s
part of pregnancy. Iba ‘yung takbo ng emotions mo.
“Nalaman ko na lang na break na kami nu’ng nanonood
ako ng TV. Ah, break na pala kami! Pinalitan niya kasi number niya.
“Siyempre, I called her but before that, I was calling her,
ayaw kumonek sa number niya ‘yung cell ko,” kuwento
pa ng aktor.
Bakit parang lumalabas na siya talaga ang may problema sa hiwalayan
nila ni Jen?
“I’ll just keep quiet na lang. The more I defend myself,
the more the problems get longer. I just wanted to stop and I don’t
want to give more pressure to Jen coz she’s pregnant! Sana
magkaayos kami.
“I am just giving her time. Depends on her. Only time will
tell.
“Basta I am still here, for her and for the baby. Sana man
lang, ‘yung schedule ng doctor niya, kahit ‘yon lang
masabi niya sa akin para malaman ko ‘yung updates sa baby
namin at sa kanya,” pahayag pa ni Patrick.
Aminado naman si Patrick na may pagkukulang siya kay Jennylyn sa
pangangailangan nito. Katwiran niya, tao lang naman siya na nagkakaroon
ng kamalian.
Itinanggi rin ni Patrick na meron siyang pagdududa sa ama ng anak
ni Jen.
“Eversince naman, never naman akong nagduda. I admitted naman
na baby ko ‘yon with her!
“My mom? My mom never questioned naman. She believes
in what I say naman,” sagot niya.
So, okey lang na hindi gamitin ng baby nila ang apelyido niya?
“I heard about that. I also want to know if she’s serious
about that! Of course, hindi. But I can’t really do much kung
ano ang gusto niya!” tugon pa ni Patrick.
“It’s not true na hindi ako nagbibigay ng pera sa check
up niya. I still have the receipts. That’s very false!”
sabi na lang ni Patrick.
***
For comments and reactions, e-mail
us at jnardo_55@yahoo.com.
|