MALAKI
ang maitutulong ni FLT Films producer Rose Flaminiano sa legal problems
ni Gabby Concepcion dahil siguradong gagawin niya ang lahat para
makabalik ng Pilipinas ang aktor.
Si Mommy Rose na ang manager ni Gabby. Ayon sa balita
na nakarating sa amin, pumirma na si Gabby ng managerial contract
kay Mommy Rose na pumunta pa sa San Francisco para personal sila
na magkausap.
Reportedly, pelikula sa Star Cinema ang isa sa mga ipinangako ni
Mommy Rose kay Gabby.
Pero bago pa nagkausap ang dalawa, nakapirma na si Gabby ng
kontrata sa GMA Films.
Kahapon, nakumpirma namin ang balita na out na si Gabby sa pelikula
ng GMA Films na kukunan sa Europe at pagsasamahan nila ni Jolina
Magdangal.
Diumano, ibang project na lang ang ibibigay kay Gabby
ng GMA Films at naghahanap sila ng ibang actor na makakapareha ni
Jolina.
Si Mr. Jun Magdangal ang aming unang naisip nang marinig namin
ang balita dahil malaki ang participation niya para mapapayag
si Gabby na gumawa muli ng pelikula. Imposibleng hindi na-disappoint
ang tatay ni Jolina sa latest development na nangyari kahapon.
Susubukan namin na kunin ang panig ni Mommy Rose tungkol sa pagkawala
ni Gabby sa cast ng GMA Films project. Itatanong namin sa kanya
kung totoo na maraming demands si Gabby kaya hindi na
matutuloy ang team-up nila ni Jolina.
Sa pagkakaalam namin, may written contract si Gabby at ang GMA Films
na gagawin niya ang kanyang comeback movie sa nabanggit na movie
outfit kaya malabo ang posibilidad na gumawa siya ng pelikula sa
Star Cinema.
***
Natawa si Cherry Pie Picache nang sabihin ni Rufa Mae Quinto sa
presscon ng Manay Po 2 Overload, na idol siya ng comedienne. Na
pinanood ni Rufa Mae ang mga pelikula ni Cherry Pie noong hindi
pa siya artista.
Pangarap ni Rufa Mae na maging dramatic actress tulad ni Cherry
Pie at mangyayari raw ito kapag nagsawa na ang mga tao sa kanyang
pagpapatawa.
Baby-maker ang role ni Rufa Mae sa Manay Po 2 at siya ang pag-uumpisahan
ng kaguluhan sa buhay ng pamilya ng karakter na ginagampanan ni
Cherry Pie.
***
Bumilib kay Dingdong Dantes ang manufacturer ng Medicol dahil kumpleto
ang kaalaman niya tungkol sa gamot na kanyang ini-endorso.
Alam na alam ni Dingdong na P3.10 ang suggested retail price
ng Medicol at ito ang pinakamura ang presyo sa hanay ng gamot sa
sakit ng ulo.
Natuwa si Dingdong nang siya ang mapili na endorser dahil bata pa
lang siya, ang Medicol ang gamot na iniinom niya kapag masakit ang
kanyang ulo.
Incidentally, ipinakita kay Dingdong ni Ka Alfie Lorenzo sa presscon
ng Medicol ang DVD copy ng isang sex scandal na ginamit ang kanyang
litrato at pangalan.
Hindi sumakit ang ulo ni Dingdong, bagkus ay natawa pa nang makita
niya ang DVD na may pamagat na The Dingdong Dantes Sex Scandal dahil
fake ito.
***
Matindi pa sa mga showbiz controversy ang eskandalo na kinasasangkutan
ng mga tao na madalas nating nababasa ang mga pangalan sa mga society
column at events dahil sa expose ni Brian Gorrell, ang Australian
national na umamin na HIV positive at ginagantihan ang kanyang
Filipino lover na inaakusahan niya ng pagnanakaw (US$70,000).
Explosive ang mga rebelasyon ni Brian sa blogspot nito kaya nakapagtataka
na tila walang ginagawang paraan ang mga inaakusahan niya ng
panloloko para mahinto ang pag-circulate sa internet ng kanyang
mga kuwento.
Maraming kaibigan na artista ang mga sangkot sa eskandalo. Hindi
nakakagulat kung masangkot ang kanilang mga pangalan sa future revelations
ni Brian.
Sa recent blogpost ni Brian, sinabi nito na hinahanap na siya ng
media (na gustong mag-interbyu sa kanya):
“The media is starting to track me down. Stop this dear before
it gets too big for either __ or myself.
I will continue this blog until he pays me back. I have been approached
by different media outlets for my story. I am prepared to go all
public with this.”
***
Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.
|