ANO
ba naman ‘yan Kuya, halos hindi pa sumisikat ang isang
Leo San Miguel, heto at na-dethrone na kaagad siya ng isang Janina
San Miguel na nagwagi bilang Bb. Pilipinas-World.
Maaaring ang nagplano ng career move ni Janina ay siya ring nagplano
ng comeback move ng isang Mo Twister na dati na naging DJ Mo (o
DJ n’yong lahat now) na ginawa at sinadyang maging controversial
ang radio program niya with his 40 forbidden questions kaya ngayon
ay okupado sa dalawang TV show si DJ Mo sa dalawang network.
Dahil sa diumano ay “kapalpakan” ni Janina sa pagsagot
sa ibinatong tanong sa kanya, siya ngayon ang butt of jokes, sari-saring
text messages ang kumalat, pati sa internet ay paulit-ulit
ang ginawang katatawanang sagot ni Janina, nire-replay sa ilang
TV news shows ang naging sagot niya and the gall to even laugh at
herself -- or mistake as most put it.
So now, Janina San Miguel is the most popular Bb. Pilipinas
winner this year. Napag-uusapan ba ang Bb. Pilipinas-Universe or
Bb. Pilipinas- International?
Ako nga, I hardly remember their names nor faces. Pero si Janina,
frontpage ang litrato niya kundi tatlo, eh apat na iba’t ibang
anggulo kung ilabas. At inihahalintulad pa siya sa Miss International
winner Melanie Marquez noon with her “my long legged”.
Sayang, sana sa Miss International isasabak si Janina at sure winner
na rin sana. Kaso sa Miss World siya natoka. Malay rin natin baka
first time mag-uuwi ang Pilipinas ng Miss World crown, noh! Who
knows, baka ang ridicule na inaabot ni Janina ngayon might turn
into gold at maging winner siya! Karaniwan namang nangyayari ang
ganyan, eh.
But having personally witnessed how a Miss World is chosen in South
Africa then with Ruffa Gutierrez, hindi kailanman mapapasaatin
ang korona ng mga Europeans. Doon lang kasi sa paligid nila umiikot
ang karamihan ng mga winners sa Miss World.
Pero dapat bang pintasan at gawing katatawanan ang naging sagot
o paraan ng naging pagsagot ni Janina San Miguel sa tanong sa kanya?
And despite that, pati mga judges ay idinamay sa “kapalpakang”
nangyari raw at pinapanalo pa si Janina? At kinukuwestyon pa nila
kung bakit 10% lang ang para sa question and answer at mas pinaboran
ang physical looks?
Well, para sa mga kapwa natin Pinoys na mahilig manlait kahit wala
sa lugar, ano ba ang pageant na sinalihan ni Janina San Miguel?
Hindi ba beauty pageant lang? Puwes, byuti siya over the rest,
eh bakit nga hindi siya mananalo? Ang sinalihan ba ni Janina ay
beauty and ....brains pageant?
Pagtatawanan ko at lalaitin sa kaliit-liitang buto niya ang Janina
San Miguel na ito kung ang tanong sa kanya ay pure Tagalog at sinagot
niya ng English na mali-mali, o sumagot siya ng purong Tagalog na
mali-mali at bubulul-bulol siya, murdering our very own language.
At bakit pagtatawanan siya sa maling English niya and sentence
construction? English-speaking country ba tayo? Kasalanan ‘yan
in a way ng Dept. of Education na paiba-iba ang medium of instruction
na gamit sa mga schools -- ngayon Tagalog, bukas English naman,
palit uli ng Tagalog, balik na uli sa English hay naku, maski ako
malolokis ang brains ko, noh!
Kailangan bang eksperto sa English at scholar ang isang sasali
sa beauty pageant? Tayo lang ang bansang hindi kailangan ang
interpreter sa mga ganyang beauty contest. Diretso bang mag-English
ang mga ibang kandidata na mula sa Japan, China, Peru, Venezuela,
at iba pang Latin countries? Papaano ‘yung ibang countries
where English is not taught?
Nung nasa South Africa kami ni Ruffa, gusto kong gumawa ng gimik.
Sabi ko kay Ruffa, gawin akong interpreter niya, kunwari hindi siya
gaanong marunong ng English para tawagin ako at makita naman sa
buong mundo at mapanood ng milyun-milyong televiewers. Aba
ang lokah, nakalimutan yata ang pinagkasunduan namin o natakot maagawan
namin ng eksena, sinolo niya ang pagiging Second Princess lang.
Kung tinawag siguro niya ako para mag-interpret for her baka
nanalo siya bilang Miss World sa kauna-unahang pagkakataon!
Joke!
Well, ang hinangaan ko sa Janina San Miguel na ‘yan matapos
kong mapakinggan ng several times ang pinagtatawanang piyesa niya
of the century (madaling magiging platinum ‘yan oras na isalin
sa DVD -- magiging mabili. Attention pirates! Para naman may kopya
ako, noh!) ay ang pagiging totoo niya sa sinabi niyang confidence
niya. “I am confident,” and she stood by that confidence,
hindi ba despite her stammering, nandoon pa rin ang confidence niya
sa sarili niya to the point of even laughing at herself? That is
all that is needed in any contest -- confidence.
After having witnessed personally how they chose a Miss World in
Sun City, South Africa -- twice the Miss Universe in Las Vegas with
the winner having gone to a tour with us and fashion shows and being
guests of the late Gianni Versace in London -- I personally
think too that Janina San Miguel is starting on the right footage.
Year in and year out palagi tayong umaasa na iuuwi ng kandidata
natin ang koronang nakaputong sa ulo ng Bb. Pilipinas natin.
Pero tuwina, hope springs eternal lang pala at palaging better luck
next year! Malay naman natin this time nauna na kasi ang panlilibak
sa kandidata natin, eh papuri naman ang abutin niya later
this year come October, debah naman?
Nangyari na kasi ‘yan kay Ruffa Gutierrez na bago kami umalis
patungong Sun City, South Africa, she was accused of being a Bruneiyuki
at madalas daw sa palasyo ng Sultan Bolkiah. Despite the
“scandal”, hindi pinalitan ng Stella Marquez congregation
ang pagiging kinatawan ni Ruffa sa Miss World, hindi nagtagumpay
ang move to replace her at palitan ng isang paborito ng isang
opisyal. So anong inuwi ni Ruffa pagkatapos? Well, ang pagkokorona
ni Ruffa sa iba’t ibang crowned beauties from Greece to Milan
to Rome, Johannesburg, Paris and London! And eventually become
a Mrs. Turkey, Istanbul years after!
So kayo riyan, itikum-tikom na ang mga ‘di kagandahang mga
bibig, huh! Buti sana kung may pouting lips kayo tulad ni Ruffa!
***
Matapos kong mapagtapos ng college course nila ang mga pamangkin
ko (pito ba sila o walo?), mga ibang bata na pinag-aral din na ‘di
ko naman kamag-anak (and would you believe may pari pala akong napagtapos
sa seminaryo? No kidding?), first time na ang isang bata na isinilang
sa poder ko at inampon na ang buong pamilya, eh tratuhin akong
lolo na akala mo, eh sa puwerta ko nanggaling dahil sa
pagiging malambing at maalalahanin sapul magkaisip
siya at 2 years old.
Such care and concern, eh nakapagtataka sa isang batang katulad
ni John-John, truly Sto. Niño’s gift to me. Ibinigay
ni John-John ang pagmamahal na ‘di ko natikman sa mga kapatid
ko at pamangkin o tunay na apo. Imagine at 7 years old he could
recall and tell me stories about when he was but one, two, three
years old as if may isip na siya that age.
Kaya madalas nga akong magtaka sa batang ito
kung bata nga ba talaga ito o isang 20-year old na?
Genius nga kung tawagin ko si John-John. Not he’s no real
genius.
Kumbaga, mas matalino siya kesa sa akin sa paggamit
ng PSP o ng DS at computer as if he was born with it. Napipindot
niya ang several knobs at the same time para patayin ang mga
kalaban niya sa games. Kaya nga halos araw-araw siyang bumibili
ng new games and collection niya ng Pokemon now considered a treasure
sa dami, huh! At kahit na one year pang nag-medication si John-John,
nakahabol pa rin siya sa top 8, gayung one year siyang tumigil sa
pag-aaral niya. The boy is indeed a miracle.
Araw-araw, he springs a surprise, palaging may
bago. Paggising niya ay katok kaagad siya sa kuwarto ko to say “Good
Morning Lolo” at ilang minuto ‘yang naka-embrace sa
akin, bubulong ng “Miss kita ‘Lo” gayung nagkita
naman kami bago siya matulog. Bago ‘yan papasok sa school
magsasabi: “‘Lo paalam ako ligo na po ako tapos breakfast
na ako tapos school na po ako”. And before he leaves for school:
“‘Lo, paalam na po ako school na ako. Penge baon ko
po.”
So I don’t mind having spent for his hospitalization and
medication since the time he was born (na naging malaking pagsubok
sa akin if I will pull through and thanks God I did more than that!)
-- I was freed from freedom from want! Kaya nga inggit na inggit
sa akin ang e-mailer naming si Kingkong Godzilla kasi daw unggoy
lang siya, kung naging totoong tao raw siya eh baka inampon ko na
rin siya!
Nung isulat namin dito si John-John nung birthday niya, ilang e-mailers
namin ang napaiyak daw, may mga texters na touched na touched daw,
especially those who lost their young boys early in life. I am sure,
mas marami ang luluha this time ‘pag nalaman nilang ang wish
ni John-John kay Sto. Niño everytime he prays tuwing bababa
siya ng hagdan sa may altar namin ay ito: “Jesus give Lolo
long life, 150 ha”. A few days later tumawad pa. “Jesus,
long life for Lolo 170 ha”.
When I told him sino pa ang aakay sa aming dalawa given that impossible
age kung pati siya eh 100 years old na rin?
“Oh sige ‘Lo, tawad na”, aniya, at muli siyang
humawak sa kamay ng Sto. Niño, “Jesus, 172 na
lang ha”. Ay, may tawad bang ganoon, nagpadagdag ka pa? Napadila
ang apo ko thinking kung tumawad nga ba siya o nagpadagdag pa? Tapos
yayakap na lang ng mahigpit sa akin at mangiyak-ngiyak ng,
“‘Di naman yata matutupad ‘yun ‘Lo”.
And to comfort him I would say, “Oh sige, payag na ako
maski na 150 John-John!”, and he would jump with joy as if
tumama na sa 200 million lotto of today huh! And the next question
ng apo ko:
“’Lo, punta na ba tayo sa Disneyland Hong Kong?”
‘Yun na! Happy graduation John-John and sana many more ha
even if I am no longer around my dear apo. Amen.
|