'IGAN

ni GILDA OLVIDADO

SI CINDY ay nakaunawa sa nais mangyari ni Rafael. At siya ay lihim na natuwa.

Siya man ay na-ignite na ng mainit nilang halikan at yakapan sa madilim na hardin ni Celia.

Para silang mga kalan na matapos painitin ay dapat nang paglutuan.

"Rafael...sunud-sunuran ako. You lead the way," bulong ni Cindy sa binata, kita sa mga mata ang labis na pananabik.

Nag-disappearing act sila sa party ni Celia, sa side-gate sila lumabas nang halos walang nakapansin.

Lakad-takbong tinungo nila ang kotse ni Cindy.

Siyempre pa ay si Cindy ang nag-drive. Si Rafael ay katabi niya sa front seat, hinahagilap pa yata ang hinahon.

Kaso ay mas nananaig ang tawag ng pangangailangan bilang lalaki.

Ah, kaytagal na mulang nakipagtalik siya sa isang bayarang babae. Noong panahong tinatalo ng kapusukan ang kanyang paninindigan bilang taong may moralidad.

Halos nasagap na ni Cindy ang dilemma ni Rafael, alam na anumang sandali ay puwedeng ‘matauhan’ ito at hindi na sila matutuloy sa pribadong silid.

Pero kailangang matuloy sila, alam ni Cindy. Kung ‘di ay paanong matutupad ang agenda niya — na mapakasal sa lalaking ito?

"Rafael, it’s all right...hindi na tayo mga menor de edad..."

"Cindy...ngayon lang uli ako nagkaganito. Para akong raging bull..."

"I know you are a very decent man, Rafael, trust me..." sabi niya kay Rafael, sabay sa pagtapik-tapik sa hita nito.

Sinarili niya ang anxiety. Shit, bakit ba ako mahihiya? Hayun na ang motel, ipapasok ko doon ang kotse ko and that’s it...bahala na.

Nagkaroon naman siya ng presence of mind, bago tuluyang ipinasok ang sasakyan sa compound ng motel ay nagsuot ng dark glasses, at least ay hindi siya makikilala.

Si Rafael ay nais mamula sa kahihiyan. This is not the normal way, alam ng binata. Dapat ay siya ang nasa manibela. Siya ang dapat may kotse.

Dapat ay si Cindy ang nasa inuupuan niya; ito ang babasaging kristal na dapat niyang protektahan ang reputasyon.

Ang sumunod na namalayan ni Rafael ay nasa loob na sila ng garahe ng motel na may automatic door.

Walang nakakita sa kanila, walang makakaalam na sila ni Cindy ay gagawa ng kasalanan.

Meron palang nakakakita, merong nakakaalam, naunawaan ni Rafael. Si Lord. Nakakahiya kay Lord.

"Rafael..." Nasa loob na sila ng makasalanang silid.

Napalunok ang binatang marangal. Na ang apelyido pa naman ay Dangal. "Cindy..." This is wrong, nais niyang idugtong.

Pero nang muli niyang matikman ang napakasarap na halik ng dalaga, nang maglapat na ang kanilang mga katawan, ang salitang ‘dangal’ ay nalimutan na ni Rafael.

SA DENVER High, the party must go on.

Sa motel, the sin is now going on. Natangay na ngang talaga sina Rafael at Cindy. ITUTULOY

<BACK