www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

Biyuda ni Balweg yumao na
(Richard Buenaventura)

 

BANGUED, Abra --- Naiuwi na rito ang bangkay ni Corazon Balweg, ang biyuda ni dating rebel Priest Conrado Balweg, isa sa mga nagtatag ng Cordillera Peoples Liberation Army o CPLA.


Si Corazon, chief of staff ng CPLA, ay dinala dakong alas-kuwatro ng hapon ng Martes sa Camp Melchor dela Cruz Station Hospital sa Gamu, Isabela dahil sa paninikip ng dibdib at pagsusuka habang nagbibiyahe mula Bulanao, Tabuk, Kalinga patungong 5th Infantry Division Phi­lippine Army sa Gamu para dumalo sa isang pulong.


Binawian siya ng buhay, isang oras matapos lapatan ng paunang lunas.

Cardiac arrest ang itinuturong naging sanhi ng kanyang kamatayan.


Ipinarating na ni Major General Melchor Diludilo, commanding general ng 5th Infantry Division, sa chairman ngayon ng CPLA na si dating Mayor Mailed Molina ng Buclod, Abra ang pagpanaw ni Ginang Balweg.


Ang maybahay ng pinaslang na rebeldeng pari ang naging instrumento ng integration o pagkasama sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas o AFP sa mga da­ting mandirigma ng CPLA.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section