V.O. ni Francis, miss na miss sa ‘Eat Bulaga’
“Bantayan mo kami, Kiko...” -- Joey

 

HANGGANG sa paghahatid sa huling hantungan, hindi iniwan ng kanyang mga kaibigan sa industriya si Francis Magalona. At sa pagkawala nga ni Francis, hindi pa rin maubos-ubos ang mga magagandang salita na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga.


JOEY DE LEON: “Bantayan mo kami. Siya na ang magdarasal para sa amin dahil malapit na siya doon. Tayo ang may problema, ‘yung mga buhay. Ipagdasal mo sina Jopay (Startalk), Lhar (Santiago, 24 Oras) at si… Aminin mo!” nagbibirong sabi ni Joey.


Sabi nga ni Joey, sobra-sobra niyang mami-miss si Francis.


“Oo naman. Pag kinuwenta namin ang pagsasama namin nina Tito at Vic, mula pa nung Discorama days, Student Canteen days, bata pa ‘yan (Francis). Tapos sa mga biyahe, kasama namin siya.”


Hindi rin naiwasan ni Joey ang umiyak sa tuwing napag-uusapan si Francis.


“Lagi naman akong umiiyak diyan (Kiko) pag kinakausap ko siya. Basta Kiko, kami na nina Tito, Vic ang 3 stars, kaw na ‘yung sun,” sabi ni Joey na ang tinutukoy ay ang mga design ng t-shirts na ginawa ni Francis.


Samantala, nakakangiti na ngayon ang SVP ng TAPE Inc. na si Malou Choa-Fagar, matapos niyang humagulgol nang husto sa mensaheng binasa niya para kay Kiko nung Martes ng gabi. “Francis, I will miss you.

Wala nang mangungulit sa akin sa Broadway. Wala nang magbibigay sa akin ng atake de Corazon. He! He! He!


“Kasi tinatawag na ‘yan pag magu-on the air na. It’s either nagpi-PSP siya, laptop, cellphone. Ang hirap tawagin. I will miss those days. Alam mo, I’m glad na kahit isang araw sa L.A. (Los Angeles), although, siningil kita (Francis) ng 50 US dollars, nakapagplantsa ako for you.


“I love you, Francis,” nakangiting kuwento ng lady boss ng Eat Bulaga.


First time nga `yon ni Ms. Fagar na mag-break down sa harap ng mara­ming tao.


“Kasi, Francis is very young, 44. I wanted him to live longer and I guess everybody wants to live longer. And ahhhmmm, ‘yun nga, like what I’ve said…


“I was hoping and praying and asking God, ‘Lord bigyan Niyo pa ng isang ano… Extension pa. Okey pa ito, kaya pa’.


“But of course, it never happened. And sa lahat ng pinagdaanan na yon ni Francis, ako ‘yung sina­sabihan ni Pia kung anong nangyayari, kung ano ang kailangan.


“Nung first time na nag-usap kami ni Francis sa ospital, kinumusta ko siya.

‘So Francis, how are you’? ‘I’m okey Ma’am’.


“And he was explaining to me some medical terms, blah-blah… ‘Okey Francis, just go on, and first time na sinabihan ko siya na , ‘I Love You, Francis’.


“Na-surprise pa nga siya siguro. ‘I Love You, Francis, take care of yourself’.

And then, constant texting. Meron lang siyang ‘Hi, Ma’am, how are you’?


“He’s very sweet. Mami-miss ko ‘yon,” nakangiting kuwento pa ni Ma’am Malou.


Dugtong pa ni Ma’am Malou, ang boses ni Francis ang miss na miss na nila rito.


“The energetic voice over na walang makaka-compare sa kanyang boses.

Iisa lang ang Francis M. Kaming dalawa ni Mr. Tuviera, iisa lang ang sinasabi namin. Ang galing talagang mag-voice over ni Francis, ang galing niya talagang gumawa ng spiel.


“And ‘yung times na… Minsan, may mga times na mahirap interbyuhin `yung guest, eh. Isasalang namin si Francis, sumasaludo sa kanya.


“Sila `yung mga band members na medyo shy pa. Pag isinalang ko na si Francis, nawawala ang pagka-shy nila. Maybe I guess he’s the King of Rap, he’s the master-rapper, he’s the king of hip-hop, lahat ginalang siya ng mga ‘yan,” sabi pa ni Ma’am Malou.


Ano ang natutunan niya kay Francis?


“Live by the day. Don’t worry about the future, because God will take care of that…” wakas na lang ni Ma’am Malou.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section