BAGO
tuluyang inilibing ang abo ni Francis Magalona nung Miyerkules ng
umaga sa Loyola Park sa Marikina City, paulit-ulit na ibinulong
ni Maxene Magalona ang mga katagang ‘I Love You, Papa’.
“Sinabi ko pa sa kanya na I will miss him, and I will try
my best to accept this, so that I could be strong, be there for
my mom, help my mom so does with my brothers and sisters in this
very difficult time,” sabi pa ni Maxene.
Nag-usap na ba sila ng mga kapatid niya sa mga plano nilang gawin
ngayong wala na ang papa nila?
“Lagi naman kaming nag-uusap. Nung nandito pa si papa, lagi
niyang sinasabi sa amin na huwag kaming mag-away, dahil nasasaktan
si mama pag nag-aaway kami.
“Sana hindi na kami mag-away na magkakapatid. Sana, kung
ano ‘yung nangyari kay papa, may madudulot na mabuti sa aming
pamilya.
“Na lahat kami magtulung-tulong in one love, ‘yun nga
ang sabi ng papa ko. It starts with the family. Kung mahal
ninyo ang isa’t-isa sa family ninyo, mas mabuti ‘yun
pag lumabas ka na sa free world.
“Na pag nagtrabaho ka na, mas magiging mabuti kang Pilipino
pag kaya mong mahalin ang sarili mo at ang pamilya mo ng buung-buo.
Mamahalin mo ang bansa mo at ang kababayan mo na kapwa mo Pilipino,”
sabi pa rin ni Maxene. (REY PUMALOY)
***
Plano ni Tita Annabele Rama na tulungan ang anak nina Francis at
Pia Magalona na si Maxene Magalona. Sa pagkawala ni Francis, nangako
siyang kukunin si Maxene para magiging leading lady ni Richard Gutierrez
sa next project nito.
Tulong nga raw niya ‘yon sa anak ni Kiko, dahil nabalitaan
niya na si Maxene raw ang nagpapaaral sa mga bunsong kapatid. ‘Yun
nga lang, babaguhin ang image at ire-repackage si Maxene nang sa gayon,
lumakas ang appeal nito sa tao.
Pero hindi lang si Bisaya ang tutulong sa Magalona siblings, huh!
Isang senador din ang nangakong magpapaaral sa binatilyo nina Pia
at Kiko na si Elmo!
See, nawalan man ang Magalona kids ng tatay, ang magandang pakikitungo
niya sa showbiz ay nasuklian ng tulong mula sa mga taong naging
bahagi ng buhay at musika niya. (JUN NARDO)
|