Binakbakan kahapon ni Makati City Mayor Jejomar Binay si (Sundan sa pahina 2)
Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa kawalang respeto sa batas.
Hindi rin natinag si Binay sa banta ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani ‘BF’ Fernando na kakasuhan nila ang sinumang lalabag sa Executive Order (EO) 712.
Ang kinakastigong kautusang ibinaba ng Pangulo ay naglalaman ng ‘pampalubag-loob’ sa nagwelgang mga transport groups noong Martes.
“An executive order cannot supersede a national law. Based on the provisions of the Local Government Code, or R.A. 7160, local governments have the sole authority to regulate traffic in their respective jurisdictions,” paliwanag ni Binay.
Iginiit ni Binay na una nang nagdesisyon ang Supreme Court na walang legislative o police powers ang MMDA. Ang ahensya umano ay isang administrative agency na kailangan ang ordinansa sa City Councils bago makapagpatupad ng mga programa.
“Thus, even if the Metro Manila Council, which is the policy-making body of the MMDA, agrees to a single ticketing system, the respective city or municipal councils would still need to pass the necessary ordinance before it can be enforced in a particular locality,” giit ng alkalde kung saan ang biktima naman umano ng Malacañang sa pagkakataong ito ay ang ‘rule of law’.
“An executive order cannot give what the Courts have already said cannot be given,” dagdag pa nito na minsan ding nagsilbi bilang MMDA Chairman.
Kahapon ay yumuko na rin si Manila Mayor Alfredo Lim sa EO 712 sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ‘uniform rate’ sa mga multa sa traffic violations upang matapos na rin ang problema ng transport sector.
Muli namang nagbanta kahapon ang transport groups na isang panibagong tigil-pasada ang kanilang ilulunsad oras na hindi matupad ang nilalaman ng EO 712.
Tiniyak ng grupong 1-UTAK na hindi sila titigil sa pagsasagawa ng transport strike hangga’t hindi nila natutugunan ang kanilang mga reklamo.
Sa panig ng Fejodap, binigyan ng pangulo nitong si Zenaida Maranan ng tatlong linggo ang pamahalaan upang ganap na maipatupad ang nilalaman ng EO 712, partikular ang single-ticketing system na iniutos sa MMDA.
- end -
|