SATURDAY, MARCH 12, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO

MEGALOTTO 6/45 DRAW
March 11, 2011

25-31-01-26-12-02
P7,790,216.40

4-DIGIT 7-1-0-5

11AM SUERTRES 6-1-1
4PM SUERTRES 7-4-6
9PM SUERTRES 2-2-7

EZ-2 11AM
28-04

EZ-2 4PM
27-03

EZ-2 9PM
12-19

TAMA KA BA?

Tanong:

Tawag sa basketball team ng Far Eastern University?

Sagot kahapon:

Creole

SERIOUSLY!?

Lumapit si baby centipede kay daddy centipede at me binulong. Hinimatay ang daddy. Alam nyo ba ang ibinulong anak?

“dad, bili mo naman ako ng slippers, yung Havaianas please . . .

OPINION
Kailangan ng tulong ni Princess, 1
 

 

Si Princess Elaine Salazar ay isinilang noong Pebrero 2010.  Isang taon na siya noong isang buwan. Ang ama niya ay isang family driver. Marahil pa nga’y marami ang nag-iisip na mabuti pa siya ngunit, malaki ang problema ng isang taong gulang na si Princess.


Ipinanganak siyang may depekto sa atay (liver) at walang ibang lunas rito kundi transplant. Hindi madali ang liver transplant. Sa mga transplant, ang mas madalas ay ang kidney (bato). Ngunit sinuswerte pa rin si Princess dahil naririto na ngayon si Dra. Nissa de Villa, na dating sa Hong Kong nagtatrabaho. Si Dra. De Villa ay espesyalista sa liver transplant operation at bumalik siya sa Pinas upang makatulong sa mga Pinoy.


Isang anim na taong bata ang kanyang inoperahan kamakailan lamang at matagumpay ang pagtitistis (surgery). Ito ang kauna-unahang successful liver transplant operation sa Pinas!


Dinala si Princess kay Dra. De Villa at tinanggap naman si Princess na pasyente ng doktora.

Tumutulong din ang Medical City sa pamilya ni Princess at malamang na maaaring sagutin ng PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) ang ope­rasyon. Tumutulong din si Beatrice Itchon, isang matulunging housewife, sa pamilya. Ngunit kahit na sinasagot na ng Medical City at PCSO ang malaking gastusin, marami pa ring ibang pangangailangan.


Ang donor ng liver ay ang mismong ina ni Princess kaya hindi lang na halos walang  ibang inaasikaso ang ina, silang dalawa ng kanyang anak ay kinakailangang dumaan sa maraming mga test at maraming mga proseso (CT Scan, blood test at iba pa).


Kahit na handang tumulong ang Medical City at PCSO, kung hindi magawa ang lahat ng test, hindi matutuloy ang operasyon.


Kamakailan ay nag-joint birthday sina Joanne Ramirez ng Philippine Star at Deedee Sitangco ng Bulletin at mabuti naman na merong nagbigay ng P20,000 kay Princess sa pangalan ng magkaibigang birthday celebrant. Ito’y binigay ko na kay Betsay.


Kung merong ibang gustong tumulong, mag-email po kayo sa akin sa duckyparedes@yahoo.com o kaya’y tumawag kayo sa 02-788-7673 at susunduin namin ang inyong donasyon.


* * *


Matagal na rin akong komentarista bilang blocktimer mula noong natapos ang aking paglilingkod sa gabinete ni Pa­ngulong Cory Aquino. Dati’y sa DZXQ ako hanggang biglang noong ‘di pa natatapos ang Pebrero’y sinabihan ka­ming lahat na nabenta na nila ang estasyon at ang plano ng bagong may-ari (na hindi naman binubunyag sa amin kung sino bang Herodes ito) itigil ang pagpapahimpapawid ng estasyon ora mismo! Sabi nga ng isa sa amin na tinuring kaming parang hindi man lang tao.


Ang ilan sa amin ay nakalipat na sa DWSS (1494 khz sa AM dial). Eto ang aming mga oras. Lunes hanggang Biyernes: 9:30-10:00 – Jhino Parucho; !0:00-10:30 – Rollie Canon; 10:30-11:00 – Ducky Paredes; 11:00-11:30 – Ruben Ilagan; 12:00–12:30 – Popo Villanueva; 2:00-2:30 – Rolando Lumagbas; 4:00-4:30 - Nar Pineda; at 4:30-5:00 - Erick San Juan.


Ibabalita ko kung saan nakalipat ang iba pa sa amin kapag pinaalam nila sa akin.


* * *


Basahin ang aking mga  kolum sa www.duckyparedes.com/blogs. Mag-email sa duckyparedes@yahoo.com.

LETTER TO THE EDITOR: Meron po ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito: abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes).--Editor

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 43.5300
Bahrain Dinar 115.446
Euro 60.1647
HK Dollar 5.58800
Japan Yen 0.524635
Saudi Riyal 11.6074
S’pore Dollar 34.2145
Taiwan Dollar 1.47253
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 69.9221
COLUMNIST OF THE DAY
Nang maging jeepney driver si Josh West
 
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section