www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

2008 BB. PILIPINAS WINNERS!
Iba’t ibang reaksyon sa mukha ng limang kandidata matapos magwagi (l-r): 1st runner-up Danielle Kirsten Muriel Castano; Bb. Pilipinas International Patricia Fernandez; Bb. Pilipinas World Janina San Miguel; Bb. Pilipinas Universe Jennifer Barrientos at 2nd runner-up Elizabeth Jacqualine Nacuspag sa ginanap na 2008 Bb. Pilipinas sa Araneta Coliseum kamakalawa. (Chris Villarin)

  • COVER-UP SA SPRATLYS!
  • Palasyo 'sabik' sa bagong saksi ng Senado
  • JDV KAY GMA: KUMALAS KA RIN!
  • AMWSLAI election pinatitibay ng SC
  • Gloria pinagpapaliwanag sa 2008 budget
  • Transport sector 'hihilutin'
  • Bb. Pilipinas candidate na-boo kay GMA
  • COVER-UP SA SPRATLYS!
    Nina Eralyn Prado, Rose Miranda, Grace Velasco, Nonnie Ferriol at Vera Files

     

    Bagama’t wala pang itinaktadang imbestigasyon ang Senado kaugnay sa panibagong kontrobersya na “Spratly deal”, agad na binalaan ni Senate President Manuel Villar ang Malacañang na tigilan na ang ginagawa nitong mga pagtatakip kung nais nito hindi na maging masalimuot, at humaba pa ang isyu.


    Kasabay nito, hinamon ni Villar ang Malacañang na tigilan na ang ginagawa nitong mga pagta­takip kung nais nito hindi na maging masalimuot, at humaba pa ang isyu.


    Kasabay nito, hinamon ni Villar ang Malacañang na ilabas agad ang mga dokumento para malaman at malinawan agad ito ng taumbayan.


    Sa pamamagitan umano nito ay hindi na hahaba pa ang usapan at mabigyan agad nang linaw kung mayroong bang kamalian at mga paglabag sa batas ang natu­rang nabuong kasunduan.


    Partikular dito ay ang malinawan kung may katotohanan ang alegasyon na may kinalaman ang naturang kasunduan sa mga multi-billion dollar na pautang ng China sa mga umano’y overpriced projects ng pamahalan tulad ng ZTE deal, North rail at South rail projects at CyberEd.


    Iginiit ng senador na kung wala namang itinatago o hidden agenda ang naturang kasunduan ay walang dahilan upang ito’y itago ng pamahalaan.


    “Tigilan na sana ‘yung kanilang pagtatakip, hindi kami nang-aaway ang gusto lang namin ilabas nila lahat para malaman natin,” ayon pa kay Villar.


    Gayunpaman, nili­naw ni Villar, wala pang itinakda ang Senado ukol sa pagsisimula ng imbestigasyon ukol sa Spratlys deal dahil kanila pa umanong pag-uusapan kung anong mga komite ang hahawak nito.


    Walang dokumento


    Samantala, wala umano sa Malacañang ang mga dokumento patungkol sa Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa pinag-aagawang Spratly Islands.


    Ito ang sagot ni Chief Presidential Legal Counsel Sergio Apostol sa hamon ni Villar na ilabas ng Malacañang ang dokumento sa nasabing kasunduan at huwag itong pagtakpan.


    Sa phone interview ng Abante, sinabi ni Apostol na hindi ang Palasyo ang dapat na kinakalampag ni Villar kundi ang Philippine National Oil Company (PNOC) na siyang direktang naka-pronta sa nasabing usapin.


    Hindi rin umano pinagtatakpan ng Palasyo ang nasabing kasunduan dahil kaya umano nilang panga­tawanan na walang ano­malya rito at hindi ibinenta ang soberenya ng bansa, tulad ng alegasyon ng mga kritiko.


    Drilon ididiin


    Si dating Senate President Franklin Drilon ang idinidiin ngayon ng Malacañang kaugnay ng kinu-kuwestiyong Joint Marine Seismic Underta­king (JMSU) deal sa pagitan ng Pilipinas, China at Vietnam.


    Paliwanag ni Press Secretary Ignacio Bunye, noong taong 1990 kung saan Justice Secretary si Drilon ay nagpalabas ito ng legal opinion hinggil sa pagiging lehitimo ng kahalintulad na JMSU sa pagitan ng Pilipinas at Australia.


    Nakasaad umano sa DOJ Opinion no. 157, series of 1990, na may petsang Agosto 27 at nilagdaan ni Drilon na walang “legal objection” sa JMSU dahil hindi ito aktuwal na oil exploration kundi “seismic work” lamang sa Spratlys na itinuturing na pre-exploration activities at hindi ipinagbabawal ng batas.


    “Curiously, the opinion was penned by then Justice Secretary Franklin B. Drilon. So what is the big hullabaloo about?” ani Bunye.

    Kamakalawa ay sinabi ng Palasyo na bukas sila sa imbestigasyon sa usapin at hindi umano pipigilan si Ombudsman Merceditas Gutierrez na magsalita sa nasabing bagay.


    Bagama’t isang independent body ang Ombudsman, si Gutierrez ay kilalang malapit sa First Family dahil naging Chief Presidential Legal Adviser ito ni Pangulong Arroyo at law classmate sa Ateneo noon ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo.


    6 isla ang sakop


    Samantala, anim na isla na inaangkin ng Pilipinas sa pinag-aagawang Spratlys Group of Islands ang sakop ng dalawang controversial JMSU sa pagitan ng Pilipinas, China at Vietnam.


    Base sa coordinates na nakapaloob sa annex ng bawat kasunduan, kabilang sa napagkasunduang lugar ang Patag (Flat), Lawak (Nanshan), Parola (Northeast Cay), Panata (Lankiam Cay), Kota (Loaita) at Likas (West York) islands na inuukupa ng military ng Pilipinas.


    Ang kasunduan ay sumasakop din sa 24,000 square kilometers sa undisputed Philippine territory.


    Sa pinakadulong sila­ngang bahagi nito, ang lugar na may 25 kilometro mula sa southern tip ng Palawan. At sa northern boundary nito, ay ang Malampaya oil field at kasama ang lugar na matagal nang ipinagkaloob ng Pilipinas sa isang Bri­tish company para sa oil exploration.


    Ang JMSU ay nilagdaan noong Setyembre 1, 2004 sa pagitan ng Philippine National Oil Co. at China National Offshore sa Beijing nang mag-state visit si Pangulong Arroyo ay pinalawak pagkalipas ng anim na buwan para isama ang Petro Vietnam.


    Ang Spratlys ay inaako ng buo o baha-bahagi ng Pilipinas, China, Vietnam, Ma­laysia, Taiwan at Brunei.


    Sa panayam kay Retired Commodore Rex Robles, na kabilang sa team na naghanda sa 1960’s handbook sa 53-islet sa South China Sea na inaangkin ng Pilipinas, sinabi nito na “militarily weak” na Pilipinas ang nagpasimula ng regime of cooperation sa pagitan ng six claimants upang mapigil ang Chinese aggression.


    Idinagdag pa nito, “To the add to the offense, we allowed China to have access for study purposes to other islands without permission by the other claimants.”


    1 pang explorationactivity


    Bukod sa seismic survey sa ilalim ng JMSU, mayroon pang isang pre-exploration activity ang isinasagawa sa isang bahagi ng Spratlys kung saan natagpuan na umano ng tinatayang tatlong trilyong cubic feet ng langis.


    Ito ang inihayag kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzalez na mula naman sa impormasyong nabatid niya mula sa bagong Presidente ng Philippine National Oil Company (PNOC).


    Ayon kay Gonzalez, ang nasabing datos ay resulta ng pagsu-survey ng PNOC at ng isa pang pribadong kumpanyang Briton na naiiba mula sa JMSU na kinasasangkutan naman ng China at Vietnam.


    “There is an area there where three trillion cubic feet of oil was found. This is much bigger than Malampaya. But this is an entirely different group, different from JMSU. I think this is with a British company, as what the new PNOC President told me,” ani Gonzalez sa panayam ng Abante.


    Kaugnay nito, ngayon araw, ay pormal na maghahain ng diplomatic protest sa Chinese consulate office sa Makati City ang mga leader ng mga mangingisda partikular ang grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) kaugnay sa nabunyag na JMSU o RP-China offshore mining deal sa Spratlys Island, ayon kay Fernando Hicap, national chairman ng grupo.

     
     
                  Search for keyword
     
    EXCHANGE RATE

     
    Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
    designed and developed by:
    MIS Section