www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

HULI KA!
Kasabay ng giit na isabatas ang Anti-Prostitution Bill, pinagbuntunan ng mga militanteng kababaihang ito ang babaeng nakamaskara ng mukha ni Pangulong Arroyo na siya umanong dapat arestuhin at hindi ang mga babaeng bik-tima ng prostitusyon. (Jhay Jalbuna)

 

TREASON VS GLORIA UMUSAD NA!
(EP/BJ)

 

Labing-apat na kongresista, kabilang ang presidente ng Kampi party ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang naghain ng resolusyon sa Kamara upang imbestigahan ang ‘Spratly deal’ na pinasok ng kasaluku­yang pamahalaan na kung mapapatunayang totoo ay magdadawit sa Pangulo sa impeachable offense na ‘treason’.


Ang ‘Spratly deal’ ang sinasabing inihain ng pamahalaang Arroyo sa China kapalit ng multi-bilyong dolyar na pautang nito sa mga ‘overpriced projects’ na kinabibilangan ng NBN-ZTE deal, Southrail at Northrail projects, CyberEd at iba pa.


Sa naunang mga ulat, sinasabing isinuko umano ng pamahalaang Arroyo sa China ang ‘claim’ nito sa ‘kabuuan’ o ‘ilang bahagi’ ng oil-rich Spratly Island. Isa ang Pilipinas sa anim na bansa sa Asya na nagki-claim sa naturang isla.


Kung mapapatunayang ibinenta ng gobyernong Arroyo ang interes ng Pilipinas sa oil-rich island ay maliwanag umano itong kaso ng ‘treason’ o pagtataksil sa bayan na isang impeachable offense, ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Teddy Casiño.


Isa lamang si Casiño sa 14 na kongresistang nagsulong ng resolusyon para imbestigahan ang ‘Spratly deal’. Kinabibilangan ito nina Reps. Satur Ocampo (Bayan Muna), Crispin Beltran (Anakpawis), Teofisto Guingona (Bukidnon), Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro), Lorenzo Tañada (Quezon), Teodoro Locsin (Makati City), Felix Alfelor (Camarines Sur), Bienvenido Abante (Manila), Jesus Crispin Remulla (Cavite), Liza Maza (Gabriela), Eduardo Joson (Nueva Ecija) at Luis Villa­fuerte (Camarines Sur).


Si Villafuerte ay pa­ngulo ng Kampi, ang orihinal na political party ni Arroyo, kaya’t marami ang nasorpresa sa hakbang nito.


Ngunit malinaw sa re­solusyon ni Villafuerte at ng mga kasama nitong administration solons na si dating House Speaker Jose de Venecia Jr. ang kanilang puntiryang makasuhan ng ‘treason’ dahil isa umano ito sa mga kumatawan sa Pilipinas sa kontrobersyal na ‘Spratly deal’.


Matatandaang unang tinalupan ni Malaya publisher Amado Macasaet noong nakaraang buwan ang sikretong ‘Spratly deal’ kapalit ng loan package ng China sa Pilipinas.


Ang impormasyong ibinunyag ni Macasaet sa artikulo sa Malaya, kapatid na pahayagan ng Abante, ang pinagbatayan ni detained Sen. Antonio Trillanes IV sa paghahain ng resolusyon sa Senado na kalkalin ang kabuuan ng China-RP deal sa multi-bilyong dolyar na pautang dahil ayon sa impormasyong kanyang nakalap ay inihain ng Arroyo government ang Spratly claim kapalit nito.


Kahapon ay kumilos na rin si Senate President Manny Villar sa isyu sa paniniyak na itutulak niya mismo ang resolusyon ni Trillanes na sinegundahan nina Sens. Panfilo Lacson at Jamby Madrigal.


“To me, it’s an impeachable offense,” anang senador.


Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pangamba si Makati City Mayor at UNO president Jejomar Binay na maaaring ‘nawawala’ na rin ang lahat ng mahahalagang dokumentong nasa likod ng ‘Spratly deal’ tulad ng misteryosong pagkawala ng mga kontrata ng NBN-ZTE at Southrail projects.


Umani na rin ng international attention ang lpntrobersyal na ‘Spratly deal’ ng Pilipinas sa China matapos itong batikusin ni Barry Wain, dating Wall Street Journal editor, na diumano’y isang paglabag sa 2002 regional agreement ng member-states bilang isang ‘bloc’ sa pagharap sa China sa isyu.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section