www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

ARAW-ARAW NA RALLY
Kahapon ay sa Gabriela Silang Monument naman nag-rally ang mga kababaihang ito laban kay Pangulong Gloria Arroyo. (Rusty Roman)

BAGONG GOBYERNO NAKALATAG NA!
Nina JB SALAR­ZON, ROSE MIRANDA at ERALYN PRADO

 

Nakalatag na ang isang ‘bagong gobyerno’ oras na mahimok si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na bumaba na sa puwesto.


Ito ang ibinunyag kahapon ni dating Education Sec. Florencio ‘Butch’ Abad, miyembro ng ‘Hyatt 10’ (mga cabinet members ni Arroyo na nagbitiw noong 2005 sa kasagsagan ng ‘Hello Garci’ scandal), na nagsabing ipinoporma na ang “Constituency for Reform”.


Binubuo umano ito ng mga dating miyembro ng gabinete na nakahandang magsama-samang muli upang tumulong sa pagtayo ng isang ‘bagong gobyerno’ pagbaba ni Arroyo.


“Hindi na tayo dapat magkamali pa sa pangatlong beses...Everybody is conscious that if something happens, you cannot leave politicians to take care of the transition,” ani Abad na ang pinapatungkulan ay ang nagawang pagkakamali ng taumbayan sa EDSA 1 at 2 na kung saan liderato lamang ang napalitan ngunit ang bulok na sistema ng gobyerno na nagpapahirap sa taumbayan ay naroon pa rin.


Ayon pa sa kanya, kasama sa paghahanda ng grupo ang “clustering” para tutukan ang iba’t ibang aspeto ng bagong gobyerno. Ang mga clusters na ito ay kinabibilangan ng economics and finance, politics and accountability at social services.


Gumagalaw na rin umano ang grupo upang iorganisa ang iba’t ibang eksperto sa lipunan para tutukan ang pagrereporma sa mga institusyon ng gobyerno gaya ng Commission on Elections (Comelec).


“We’re consolidating forces,” diin ni Abad bilang paghahanda sa pagbakante sa puwesto ng Pangulo ng bansa sa pamamagitan ng isang constitutional process.


Ayon naman kay dating peace process secretary Teresita Deles na miyembro ng ‘Hyatt 10’, ang mga binabalangkas ng “Constituency for Reform” ay hindi lamang pagbabago ng tao sa loob ng gobyerno kundi pagbabago sa dapat kalakaran ng pagpapatakbo ng gobyerno pagkatapos ng kasalukuyang administrasyong Arroyo.


“People want to make sure that this time it’s not just the change of people. There should be actions that need to be pursued after this administration,” ani Deles.


Ultimatum na!


Bago ibinunyag ni Abad ang pagbuo ng “Constituency for Reform”, sumulat ang grupo sa tanggapan ni Arroyo at ipinabatid dito ang kanilang pagsuporta sa kahilingan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)


Una ang pagbasura sa Executive Order 464 at hayaang dumalo na si dating National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Romulo Neri na tumestigo sa Senado.


“If there will be no meaningful and satisfactory response from her...the call for resignation is most likely our next step,” ani Abad.


Extra-constitutional na pagpapatalsik ibinabala


Sa panig naman ni Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, hindi malayong mag-iba ang ihip ng hangin kung magmamatigas si Arroyo at isantabi ang constitutional process.


“Bukas na ang usapin[g] ito [sa] ngayon,” ani Ocampo, na ang pinapatungkulan ay ang extra-constitutional na pagpapatalsik kay Arroyo sa puwesto.


Sisters: Illegitimate, immoral si GMA


Samantala, isang grupo ng mga madre sa Mindanao ang pumalag na rin sa tinawag nilang “immoral” at “illegitimate” presidency ni Arroyo.


“We stand by our belief that President Arroyo has committed the grave sin of stealing her legitimacy from the people. She has committed a serious immoral act in governance,” ani Sr. Elsa Compuesto, executive secretary ng Sisters’ Association in Mindanao (SAM).


Lady solons: Resign, Gloria!


Para naman sa mga lady legislators sa pangunguna nina Congw. Cynthia Villar at Gabriela partylist Rep. Liza Maza, isang malaking kabiguan at kahihiyan para sa kababaihan si Arroyo.


“Gloria Macapagal Arroyo is a huge failure. She has, in several ways, failed the lot of Filipino women in her seven years of governance,” ayon kay Maza kaugnay ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso.


Naniniwala naman si Villar na siyang pangulo ng lady legislators’ group, na malaki ang pananagutan ng Pangulo sa matinding katiwalian sa pamahalaan.


“Ako ok rin, if that would solve the problem,” ayon pa kay Villar nang tanungin kung pabor siya sa panawagang pagbibitiw ni Arroyo.


Cory, pinapatigil na ng M’cañang


Pinapatigil na ng Malacañang si dating Pangulong Corazon Aquino sa walang tigil na pag-iikot at pananawagan sa pagbaba ni Arroyo.


Sa halip ay hinamon ni deputy presidential spokesman Lorelei Fajardo na dapat umanong maging ‘agent of development’ ang dating pangulo imbes na maging ‘agent of discord’ o pagkakahati-hati ng bansa.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section