SATURDAY, MARCH 03, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
ENTERTAINMENT
Mayweather Jr., binatikos ng mga Kano dahil sa panlalait ulit kay Pacquiao!
Jojo Gabinete 
 

Hindi lamang ang mga Pilipino ang nagagalit kay Floyd Mayweather, Jr. dahil sa walang katapusan na panlalait nito kay Fi­lipino boxing champ at House Representative Manny Pacquiao.

Iritable na rin kay Mayweather, Jr. ang kanyang mga kababa­yan dahil sa ugali na ipinakikita niya.

Umani ng batikos si Mayweather, Jr. mula sa mga kapwa-Amerikano nang magsalita uli siya laban kay Pacquiao sa presscon ng laban nila ni Miguel Cotto sa Apollo Theater, New York noong Martes.


Na-turn off kay Mayweather ang mga kababayan niya dahil sa kanyang pahayag na “Just by speaking to Pacquiao on the phone, I mean, he’s not one of the sharpest knives in the drawer.”


May mga kababayan si Mayweather, Jr. na nananawagan na i-boycott ang Las Vegas fight nila ni Cotto sa May 5 dahil sa patuloy na pagmamaliit niya kay Pacquiao.


***


Itinanggi ni Chariz Solomon ang balita na pinagbabawalan siya na magkuwento tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang 32-year old fiancée na si Nestor Ng, Jr. In fact, sa presscon ng My Kontrabida Girl, ikinuwento ni Chariz ang ilang mga detalye ng kasal na magaganap sa December 12, 2012.


Ang Shrine of Jesus sa Mall of Asia ang simba­han na napili nina Chariz at Nestor. Idaraos ang wedding reception sa Blue Leaf, McKinley Hills, Taguig City at ang fashion designer na si Pepsi Herrera ang nag-alok na gagawa ng wedding gown ni Chariz.


Personal choice ni Chariz sina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti na maging ninong at ninang sa kasal. Kaibigan ni Chariz ang mga anak (Bodie at Djanin) ng mag-asawa at sa tuwing makakasama niya ang Cruz family, bilib na bilib ang comedienne sa magandang relasyon nina Tirso at Lyn.


Para kay Chariz, perfect couple ang mag-asawa kaya perfect sila na maging wedding sponsor sa kasal nila ni Nestor.


***


Nagsalita si Chariz na walang dahilan para ili­him ang kanyang pagpapakasal dahil mas gusto ng mga tao na honest sa kanila ang mga artista. Natawa kami sa sinabi ni Chariz na hindi naman ito big star para itago ang kanyang lovelife at alam niya na hindi siya magi­ging superstar.


Tanggap at kuntento na raw siya sa mga roles na ginagampanan niya sa TV at pelikula. Kaibigan at alalay ng bida ang madalas na role ni Chariz sa kanyang mga TV at mo­vie projects.


Sa My Kontrabida Girl, personal assistant ni Rhian Ramos na madalas na saktan nito ang papel na ginagampanan ni Chariz.


Highly-recommended ni Chariz sa lahat ang pelikula, hindi dahil kasama siya sa cast. Tiniyak niya na magugustuhan ng moviegoers ang My Kontrabida Girl dahil sa magandang kuwento at mga nakakatawa na eksena.


***


Ngayon ang pilot telecast ng Video Incredible, ang bagong TV show ng TV5 tungkol sa mga eksena ng pag-ibig na nakunan ng video.

Si Mariel Rodriguez ang featured host sa u­nang episode ng Video Incre­dible na mapapanood tuwing Sabado (2:30 to 3:30 pm) pagkatapos ng Paparazzi.


Ibabahagi ni Mariel sa Vi­deo Incredible ang mga video ng mga pagmamahalan mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo na nauwi sa misunderstandings. Ipapakita ni Mariel ang pinakamatatamis, nakakatawa at nakakaiyak na video ng iba’t ibang anyo ng pag-ibig sa Faces and Phases of Love episode.


After Mariel, nakapila rin ang mga Kapatid stars na sina Wendell Ramos, Arnel Ignacio at Zoren Legazpi para maghatid ng incredible love videos.

 
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.6800
Bahrain Dinar 113.270
Euro 56.7473
HK Dollar 5.50291
Japan Yen 0.524023
Saudi Riyal 11.3799
S’pore Dollar 34.1667
Taiwan Dollar 1.45034
UAE Dirham 11.6231
UK Pound 68.0395
COLUMNIST OF THE DAY
Santiago, Aguirre, at ang mga bagong abogado

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section