Nakikiusap
si Marky Cielo sa kanyang mga tagahanga na tigilan na ng mga ito
ang pagkakalat ng tsismis na may gay lover siya. Sabi ni Marky,
nahihiya na rin siya sa bading na diumano ay gay lover niya.
Alam ni Marky na ang naturang bading ang dahilan
kung bakit nagagalit sa kanya ngayon ang mga tagahanga niya.
Sabi kasi ng mga fans, mas pinahahalagahan ni Marky ang bading kesa
sa mga fans niya.
“Tigilan na nila ang isyu, dahil nakakahiya
sa tao na tinuturo nilang bading. Sa totoo lang, hindi naman siya
bading. Parang tatay ko na `yung tao. At hindi lang ako ang
inaalagaan niya kundi halos lahat kaming mga taga-StarStruck.
“Siya ang madalas naming lapitan kapag
may problema kami. Kahit itanong n’yo pa kina Katrina Halili
at Iwa Moto.
“Kung mabait man ako sa kanya, `yun ay
dahil ibinabalik ko lang `yung kabaitan niya sa akin.
“Sa mga fans ko, sana tigilan na nila
ang tsismis. Dahil sa mga tsismis na `yon, nai-stress `yung
tao na pinagbibintangan nila.
“Hindi siya dapat madamay sa intriga,
pero idinadamay siya. Huwag naman po,” seryosong pakiusap
ni Marky.
May mga tsismis na ang naturang tao ang dahilan
kung bakit hindi niya maligawan ngayon si Glaiza de Castro?
“Gusto ko talaga si Glaiza. Maganda ang
friendship namin. Masaya kami kapag magkasama, pero may mga priorities
ako na gusto ko munang bigyan ng pansin. Gayundin naman si
Glaiza,” sagot lang ni Marky.
***
Samantala, aminado naman si Lovi Poe na type
rin niya si Jolo Revilla, pero hindi lang siya sigurado kung kailan
niya ito sasagutin.
Sabi ni Lovi, wala pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon.
Bata pa raw siya at career muna ang iniisip niya.
“Ang sinabi ko kay Jolo, kung gusto niyang
maghintay, okey lang. Kung hindi siya makakapaghintay, okey lang
sa akin,” sabi ni Lovi.
Hindi naman itinatanggi ni Lovi na type niya
ang pagiging mabait at generous sa kanya ni Jolo. Ayaw na nga
lang niyang bulatlatin pa kung paano siya binubusog sa pagmamahal
ni Jolo.
Wala rin daw kinalaman ang image na playboy
ni Jolo, kaya ayaw pa niya itong sagutin.
“Wala talaga. Hindi ako judgmental na
tao. Gentleman si Jolo. Marespeto siyang tao, lalo na sa mommy
ko.
“Pero, hindi pa talaga ako ready sa relationship.”
May mga nagsasabi na baka mabuntis lang ni Jolo
si Lovi?
“Hindi po mangyayari `yon. Kapag magkasama
kami, kasama namin ang parents niya, at mga friends ko. At saka,
may respeto siya sa akin.”
Wala rin daw dahilan para magtanan sila nang wala sa oras.
***
Tinalbugan ni Lance Raymundo ang ibang mga sikat
na Filipino actors ngayon, dahil ipalalabas na sa Singapore
ang episode ng Incredible Tales, na kung saan ay bida siya.
Makakasama ni Lance rito sina Juliana Palermo
at Say Alonzo, at dinirek ni Jun Lana.
Hanggang ngayon nga ay hindi makapaniwala si
Lance na nabigyan siya ng ganitong break.
Kuwento ni Lance, tapos na ang audition para
sa naturang role, at picture at profile lang niya ang pinadala nila
ng manager niya, pero siya pa rin ang napili para sa naturang papel.
Kuwento ni Lance, ito ang unang pagkaka-taon
na lumabas siya sa TV bilang artista. At sabi ni Lance, malaki ang
naitulong ng mga stage play na ginawa niya kamakailan para magampanan
niya ang ibinigay sa kanyang papel sa TV.
“Sa stage walang take 2. Sa rehearsal
pa lang namin sa Incredible Tales, ibinigay ko na lahat, kaya nag-roll
agad ang camera.
“Lahat ng scenes ko, take 1. Kahit
`yung Singaporean producer, pumapalakpak after ng scenes namin.
“I’m so proud that I was able to give my best kahit
wala akong experience sa TV acting.”
|