Claire dela Fuente has always been a dreamer,
and most importantly an indefatigable achiever.
“Dreams propel me to work hard to make
them come true,” sabi ni Claire.
“I just continue dreaming and go on working to the best
of my ability,” dugtong pa ni Claire.
Sabi nga ni Claire, masuwerte siya dahil nasa
paligid niya ang mga mahuhusay na kaibigan niya sa industry na patuloy
na sumusuporta sa kanya.
Hindi nga itinatanggi ni Claire na malaki ang
utang na loob niya kay George Canseco, na siyang naka-discover sa
kanya.
“Teenage pa ako noon nu’ng mag-judge
si George Canseco ng singing contest, at ako nga ang nanalo.
“Then, she offered me to sing the Hope
commercial and that break opened so many doors for me,” dugtong
pa ring kuwento ni Claire.
Alam naman ng lahat na sumikat si Claire sa
kantang Sayang at Minsan-Minsan. At dahil sa album na `yon, nakagawa
siya ng international album na inilabas sa maraming bansa sa Asya.
Hindi rin malilimutan ng photographer na si
Ador Cruz si Claire, nu’ng una itong magpunta sa Tropicana
studio niya.
Sikat na raw noon si Claire, pero normal na
normal pa ring kumilos.
“Napakaganda ng boses niya, pero at that time, kinakaladkad
niya ang bakya niya,” sabi pa ni Ador.
Anyway, para kay Claire noon, mas mahalaga
na kumanta na lang siya nang kumanta, dahil `yun naman talaga ang
pangarap niya.
Pero, nagbago nga ang panahon, nag-asawa si
Claire, at naiba ang mundo na ginalawan niya. Bagama’t pakanta-kanta
pa rin si Claire sa ibang bansa, last year lang talaga niya naisipan
na muling balikan ang paggawa ng album.
She recorded her ‘Something In Your Eyes’
para sa Viva Records. Pero, ang maganda rito ay sa America niya
ito ginawa, at si Christian Walden ang produ-cer nito. At ilan sa
mga kanta niya ay ginawa ang pagmi-mix at pagma-master sa Italy.
Sa tulong nga ni Mr. Vic del Rosario, ginawa
nina Claire ang lahat para maging class ang album niya.
“Claire has all the reason to be inspired
and excited about her Something In Your Eyes album,” sabi
pa ni Vic del Rosario.
“To be able to have an album with such
beautiful songs and will be released in the world’s biggest
markets such as USA and Japan is another big dream come true.
“But the biggest dream of my life is to
be able to record a song composed by my idol, Richard Carpenter.
Until now, I could hardly believe that all the things happening
to me is true. Parang panaginip pa rin. Parang patuloy akong nanana-ginip.
“Nasa Cloud 9 pa rin ako ngayon.
Pero ang feeling ko, parang nag-i-start pa rin ako ngayon sa
pagkanta,” sabi pa rin ni Claire.
|