BALAYAN, Batangas --- Sa kulungan
bumagsak ang magkumareng tulak ng bawal na gamot makaraang makuha
mula sa kanilang pag-iingat ang mga supot ng shabu na kanilang ibinebenta
kamakalawa.
Kinilala ni Chief Insp. Roberto A. Baleros, hepe ng pulisya, ang
mga inaresto na sina Vilmar Sale y Custodio alyas ‘Bubot’,
37, dalaga, nakatira sa Jamaica Subdivision, Barangay Caloocan at
Mylene Macalalad y Bunguin, 30, may-asawa, taga-Villa Esperanza
ng barangay ding nabanggit.
Sa report ng lokal na himpilan kay Sr. Supt. David Micu Quimio,
provincial director, sa bisa ng search warrant # 2008-18 at 2008-19
mula sa sala ni MTC Judge Cristino Judit ay magkasunod na ni-raid
ng grupo ni Baleros ang bahay ng mga suspek dakong alas-tres at
alas-kuwatro ng hapon kaugnay ng tinanggap na impormasyon na ang
mga ito ay nagbebenta ng droga.
Narekober mula sa bahay ng dalawa ang 10 sachet ng shabu pati na
ang mga gamit nila sa pagre-repack at hindi pa batid na halaga ng
salapi na pinaniniwalaang “drug money”.
|