GABAY NG DIYOS

TAAS SAHOD, ‘DI BAWAS ORAS SA PAGTUTURO
(Eralyn Prado)

 

Taas suweldo ang nais ng mga guro at hindi ang bawasan ang oras ng kanilang pagtuturo.


Giit ito ni GABRIELA partylist Rep. Luzviminda Ilagan bilang pagpalag na rin sa ipinalabas na memo­randum order ng DepEd kamakailan na layong bawasan na ang oras ng pagtuturo ng mga public school teachers mula sa dating walong oras at gawin nang anim upang bigyan umano ng sapat na panahon ang mga guro upang ihanda ang kanilang lesson plans.


Ayon kay Ilagan, bagama’t ang pagbabawas ng oras ng pagtuturo ay ma­laking bagay rin sa mga guro ngunit hindi naman ito ang tunay na hinahangad ng mga guro dahil mas higit nilang kailangan ay ang madagdagan ang kanilang sahod.


“May sapat nga silang oras to prepare their lesson plans and perform other duties pero hindi naman ito ang makakaresolba sa kanilang problema kung paano matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. What our teachers need more is an increase in their salaries,” ayon kay Ilagan.


Nauna nang hiniling ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang P9,000 across the board wage increase para sa lahat ng public school teachers at non-teaching personnel.


Naniniwala ang lady solon, na napapanahon na para ibigay naman ang nararapat para sa mga guro lalo na sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ng bansa.


Ang mga guro umano ang may pinakamababang sahod sa bansa na kung saan ang mga ito ay sumasahod lamang ng P10,000 kada buwan na hindi nakakasapat para sa isang pa­milya na may apat na anak.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section