Ang Endosulfan ay isang pesticide
na ginagamit sa mga plantasyon ng pinya.
Maari itong makamatay o ‘di kaya ay maapektuhan ang central
nervous system kung malululon ito ng isang tao.
Maaring humalo sa kapaligiran ang Endosulfan sa pamamagitan ng hangin,
tubig at sa lupa. Hindi agad natutunaw o nalulusaw sa tubig ang
nasabing kemikal dahil dumidikit ang kemikal sa soil particles na
lumulutang sa tubig o ‘di kaya sa lupa sa ilalim ng dagat.
Maaring tumagal ng ilang buwan bago matunaw ang Endosulfan sa tubig
depende sa kondisyon ng tubig na hinahaluan nito.
Ang mga isda na matatagpuan sa katubigan na kontaminado ng Endosulfan
ay maaring pasukin ng kemikal at posibleng mas marami pa ang amount
nito na matatagpuan sa loob ng katawan ng isda kaysa sa tubig na
nilalanguyan nito.
|