May natitira pang 16 na bagyo na malamang na
mas malakas pa kay bagyong Frank ang inaasahang tatama sa bansa
hanggang Disyembre.
Ito ang pagtataya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical
Services Administration (PAGASA) kung saan dapat umanong mag-ingat
ang publiko sa lahat ng pagkakataon.
Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang publiko ng higit na paghahanda
ang kailangang isaalang-alang ng mga ito upang makaiwas sa anumang
peligro o epekto sa buhay at ari-arian ng mga bagyong paparating
pa sa bansa.
Idinagdag pa ni Nathaniel Cruz, weather chief ng PAGASA, na dapat
ding maging handa ang mga local government units (LGUs) sa mga darating
pang bagyo o iba pang hazards na posibleng tumama sa bansa.
|