GABAY NG DIYOS

2 preso pumuga, 1 dedo sa pursuit operation
(Nilo Marasigan)

 

Dalawang preso ng Uson Municipal Police Station sa Masbate ang nakatakas kung saan isa sa mga ito ang napatay ng mismong kasamahang pugante nang tugisin ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat kahapon sa Camp Crame, bandang alas-singko kamakalawa ng madaling-araw nang makapuga sina Ramon Malana y Capellan at Leopoldo Tupaz y Bigornia, pawang may kasong kriminal, kung saan tinangay pa ng mga ito ang isang M-16 armalite rifle ng bantay na pulis.


Agad naman umanong nakapaglunsad ng hot pursuit operation ang mga awtoridad hanggang sa masukol ang mga pugante sa may Bgy. Del Rosario, Uson, Masbate.


Gayunpaman, sa halip na sumuko ay nakipagpalitan umano ng putok ang dalawa sa mga pulis ngunit sa malas ay nabaril ni Malana ang kasamang si Tupaz.


Nang makitang duguan si Tupaz, tumakas si Malana habang mabilis na naisugod sa Moises Espinosa Sr. Memorial Hospital sa Dimasalang, Masbate ang una ng mga awtoridad subalit idineklarang dead on arrival.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section