Triumph Inspiration Award-Designing Female Fascination
John C. Guarnes

 

   Kamakailan lamang ay may isang malaking event ang naganap sa fashion industry na ginanap sa Unibersidad ng De LaSalle-College of Saint Benilde na isang malaganap na kompetisyon na nilahukan ng mga estudyante ng Fashion School. Ang kompetisyon ay sponsor ng Triumph International na gumagawa at distributor ng mga leading lingerie at under garments sa buong mundo. Sila po ay nag- sponsor ng ganitong klase ng kumpetisyon upang maghanap ng mga magagaling na estudyante ng Fashion sa iba’t ibang panig ng daigdig tulad ng mga sumusunod na mga kalahok na bansa - Japan, UK, Australia, South Africa, Germany, Norway at siyempre pa kasama ang ating bansa -Pilipinas.


  Nagkakaroon ng mga lokal na kumpetisyon sa bawat bansa at kung sinuman ang magwagi sa bawat bansa ay muling maglalaban sa international competition na gaganapin sa Beijing, China- sa darating na Hulyo 31, 2008.


  Samantala sa ating bansa, ang ating kalahok ay si Ralph Ng - estudyante ng Saint Benilde ang siyang nagwagi at representative ng ating bansa sa Beijing, China. Napakasuwerte ng batang ito sa dahilang makakapunta siya sa China kasama ang kanyang modelo at ang school representative -Chairperson ng Fashion Design and Merchandise Program ng Saint Benilde -Ms. Mitali Gozwami. Nakapanayam ko si Ralph tungkol sa kanyang inspirasyon - “I was inspired by the godess of Hindu- The god Sheva- god of beauty and destruction- Poseidon- god of the sea, that’s why I infused mother of pearl, capiz, cultured pearl as my material for my winning piece, (A top bolero-fully embellished with long trail chiffon to match with two piece top and bottom undergarment made of capiz).”


  Naglaban-laban ang 25 fashion design students at pumili ng 11 para sa semi final round at 3 ang nagwagi ng gantimpala. Isa na roon ay ang second runner up na si Ms.Flyilet Guerra at ang first runner- up na si Ezekiel Matibag .


  Para sa nagwagi na si Mr. Ralph Ng- Congratulations! And I wish that you will also win in the international competition which  will bring pride to our country.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section