Aktor na buhay milyonaryo noon, baon sa utang ngayon!
Anita Linda, pararangalan sa Cinemalaya

 

ANG director’s first cut (work in progress) ng Adela ang opening film ng Cinemalaya 2008 sa July 11 at gaganapin ito sa CCP Main Theater.


Si Adolf Alix, Jr. ang direktor ng Adela at silang dalawa ni Noel Ferrer ang mga producer ng project na nagbabalik kay Anita Linda bilang lead actress ng pelikula.


Ibinalita sa amin ni Noel na imbitado ang Ade­la sa mga major film festival sa ibang bansa.


“I am very proud po of this movie. Lahat po ng resources namin (pati ‘yung kinita ng “Daybreak”) ay in-invest po namin dito sa ADELA na tribute film po namin sa isang film great na si Ms. Anita Linda.


“Paki-mention na rin po na ang mga kaibigan naming artista ay sumuporta po dito namely: YCC Best Actor Jason Abalos, Golden Screen Awards’ Best Supporting Actor Ricky Davao and Breakthrough Actor Awardee Joem Bascon, Urian Awardee Iza Calzado and multi-awarded actress Perla Bautista and film institution German Moreno --- lahat respetado at award winning...ginawa po nila nang labor of love --- para kay Ms. Anita Linda.


“Ang ADELA po ay kuwento ng isang babae na magdiriwang ng 80th birthday na hindi man lang na­dalaw ng kanyang mga anak. Ito po ay isang napaka-touching na obra tungkol sa pakikitungo natin sa mga senior citizen --- dahil ‘di ba --- ang maganda raw pong sukatan ng tunay na pag-usad ng bansa ay kung paano natin kalingain ang mga matatanda?


“Sana po masuportahan niyo po ang ADELA at ina­anyayahan po namin lahat ng mga artista, direktor, kaibigan na nakasama ni Ms. Anita Linda na sumama sa parangal na gagawin po sa kanya sa July 11 sa CCP.


“I’m proud to have done ADELA. It’s a good food for the soul,” ani Noel.


***


Baon ngayon sa utang ang isang aktor dahil nag-buhay milyonaryo siya. Nang magkaroon ng regular TV show ang aktor, bumili siya ng mga gamit pero hindi cash ang kanyang ibinayad.


Hulugan ang mga gamit na binili ng aktor. Sa kasamaang-palad, nakansela ang kanyang regular TV show. Problemado ngayon ang aktor dahil hindi niya alam kung saan kukuha ng pambayad sa kanyang mga utang.


Hindi na natuto ang aktor. Bumili rin siya noon ng mga mamahaling gamit na hulugan. Nang hindi siya makabayad, ibinalik niya sa binilhan ang mga gamit.


Kesa hindi makabayad ang aktor at makarating pa sa korte ang kanilang problema, tinanggap na lamang ng pinagbilhan ang mga gamit na ibinalik sa kanya.


***


May common denominator sina Amy Austria at Carmi Martin. Parang hindi sila tumatanda. Mas maganda sila ngayon kumpara noong kabataan nila.


Kung hindi kami nagkakamali, past forty na ang edad ni Carmi pero hindi nalalayo ang kanyang itsura sa mga artistang babae na co-star niya sa Ako Si Kim Samsoon.


Hindi kami personal na magkakilala ni Carmi pero noon pa namin naririnig ang mga kuwento tungkol sa kanyang kabutihan at kababaang-loob.


Hindi siya nalalayo sa ugali ni Amy. Sa unang tingin, mukhang suplada si Amy pero maraming beses na naming napatunayan ang kanyang kabaitan at pagiging down-to-earth. Hindi siya katulad ng ibang artista na user-friendly at mahirap lapitan.


Ang magandang ugali nina Amy at Carmi ang isang dahilan kaya good karma sila at iginagalang ng kanilang mga nakakasama sa trabaho.


***


Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section