Nakabalik na sa bansa ang 49 Filipino nurses
na binawalan ng kanilang mga amo na umuwi ng Pilipinas matapos pumaso
ang kanilang kontrata roon.
Sa ulat ng Arab News, ang mga overseas Filipino workers ay kabilang
sa 79 foreign medical workers sa Saudi Arabia na nagsampa ng kaso
laban sa kanilang Arab employers dahil sa ilegal na deduction at
delay sa kanilang suweldo, contract violation at anti-labor practice.
Ayon kay Philippine Ambassador to Saudi Arabia Antonio Villamor,
dahil sa tulong ng Philippine Overseas Labor Office-Eastern Region,
nagawang iapela ang kaso ng mga Filipino nurses sa Labor Department
for the Protection of Foreign Workers sa Riyadh.
Sa ulat ng POLO-Eastern Region, ang mga Filipino nurses ay ilang
linggong stranded sa Saudi matapos tumakas sa kanilang pinapasukan
sa Rehabilitation Center for the Handicapped (RCH) sa Al-Ahsa.
Ni-recruit ang mga Filipino nurses kabilang ang mga Indonesian medical
workers ng Samama, isang local recruitment company sa Saudi na nagpapadala
ng manggagawa sa iba’t ibang kumpanya roon.
|