FRIDAY, JUNE 25, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
June 24, 2010

27-41-19-31-29-04
P5,529,799.80

6-DIGIT 9-8-7-0-4-6

1:30PM SUERTRES 1-9-9
5PM SUERTRES 4-7-8
9PM SUERTRES 4-1-5

EZ-2 2PM
29-30

EZ-2 5PM
23-12

EZ-2 9PM
12-29

SUPER LOTTO 6/49 DRAW

26-02-17-19-32-41
P24,070,132.80

 
SPORTS
AIR21 TITIYAK NG WILDCARD
(Vladi Eduarte)

Kanya-kanyang paraan sa pagsipa sa bola sina Hassen Yebda ng Algeria at Carlos Bocanegra ng United States sa aksyong ito sa World Cup group C soccer match sa Loftus Versfeld Stadium sa Pretoria, South Africa. (AP Photo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TEAM                     W   L
*Talk ‘N Text         15  3
San Miguel            12  5
Derby Ace             12  5
Alaska                    11  6
Ginebra                9   9
Coca-Cola              7   9
Rain or Shine         7   9
w-Sta. Lucia           5  12
Air21                       4  13
Barako Coffee       3  14

*-outright semis, No. 1
w-wildcard

Mga laro ngayon (Araneta Coliseum)
5 p.m. – Rain or Shine vs. Air21
7:30 p.m. – Sta. Lucia vs. Coca-Cola

May kanya-kanyang misyon ang apat na teams na sasalang sa final five games ng eliminations ng 2010 PBA Fiesta Confe­rence.

Pareho pa ring nakatanaw sa No. 5, ang huling silya sa outright quarterfinals, ang Rain or Shine at Coca-Cola.

Kipkip ng Elasto Painters at Tigers ang magkatulad na 7-9 win-loss cards, nakatingala sa 9-9 ng Barangay Ginebra. Okupado ng Gin Kings ang No. 5, pero posibleng akbayan ng isa sa RoS o Coke.

May tigalawang laro pa ang Rain or Shine at Coca-Cola bago itiklop ang 18-game classification phase ng season-ending conference,

Haharapin ng RoS ang Air21 sa pambungad na laro ng alas-singko ng hapon sa Araneta Coliseum, kasunod ng 7:30 p.m. match ng Coke at Sta. Lucia.

Ang top 2 teams pagkatapos ng elims ay agad bibiyahe sa semifinals, una na rito ang top seed Talk ‘N Text (15-3). Pasok na din agad sa best-of-5 quarters ang Nos. 3, 4 at 5, magpapambuno sa wildcard ang 6th, 7th, 8th at 9th, mag-iimpake ang 10th.

Lalagutin sa playoff match sakaling magkaroon ng tie sa 2nd, 5th at 9th.

Isa lang sa Rain or Shine o Coca-Cola ang maaaring makipag-agawan sa Gin Kings sa pangatlo at huling silya sa quarters, dahil sakaling parehong manaig sa kani-kanilang asignatura ngayon ay silang dalawa naman ang magbubuno sa huling game nila sa Linggo.

Pilipitin naman ng Air21 (4-13) na mailusot ang huling salang para pormal nang okupahan ang 9th spot para humabol sa wildcard at tapusin ang season ng Barako Energy Coffee (3-14).

Kapag natalo ang Express ngayon at naipanalo ng Coffee Masters ang huling laro kontra B-Meg Derby Ace sa Linggo, magtatabla ang dalawa sa 4-14.

Ang Sta. Lucia ay nakakasiguro na sa wildcard sa 5-12 anuman ang resulta ng laban kontra Tigers, pero siguradong gustong tapusin ni coach Boyet Fernandez ang eliminations sa pamamagitan ng isang panalo bago sumabak sa knockout round.



 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 46.0700
Bahrain Dinar 122.185
Euro 56.8705
HK Dollar 5.92368
Japan Yen 0.512828
Saudi Riyal 12.2834
S’pore Dollar 33.2064
Taiwan Dollar 1.43431
UAE Dirham 12.5422
UK Pound 69.0148
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section