FRIDAY, JUNE 25, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
June 24, 2010

27-41-19-31-29-04
P5,529,799.80

6-DIGIT 9-8-7-0-4-6

1:30PM SUERTRES 1-9-9
5PM SUERTRES 4-7-8
9PM SUERTRES 4-1-5

EZ-2 2PM
29-30

EZ-2 5PM
23-12

EZ-2 9PM
12-29

SUPER LOTTO 6/49 DRAW

26-02-17-19-32-41
P24,070,132.80

 
PUBLIC SERVICE
Reklamo sa subdivision
 

Dear Senator Chiz Escudero,

Nais ko po sanang malaman kung saan maaaring magreklamo ukol sa mga subdivisions. Nakatira po ako sa isang subdivision dito sa Bulacan. Marami pong nag-aalaga ng mga panabong na manok dito sa amin na lubos na nakakaperwisyo dahil sa ingay at amoy. Ayos lang po sana kung walang malalapit na bahay sa pa­ligid kaso po kadikit na namin ‘yung mga manok. Residential po ang aming subdivision at ayon sa kontrata ay ipinagbabawal ang pag-aalaga ng anumang hayop na nakakaperwisyo sa mga residente. Ilang beses na po kaming nagreklamo subalit wala namang aksyon dito. Isa pa pong tanong, maaari po ba naming kunin ang aming inihulog sa subdivision (buong bayad po sana) upang makalipat kami sa ibang lugar? In-house financing po ang aming bahay at lupa sa loob ng 10 taon. Sa darating pong Oktubre, mag-aapat na taon na kaming nagbabayad. Lilipat na lang po.

Precious
Bgy. Santo Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan

Dear Precious,

Kaugnay sa iyong reklamo na pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok at baboy ng iyong mga kapitbahay sa inyong subdivision, maaari ka munang magreklamo sa inyong barangay. Sa kasong ito, sa Barangay Santo Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan ka maghahain ng reklamo. Sakaling walang aksyon o hindi naayos ang problema, maaari kang maghain ng reklamo sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB). Tatawagan ng pansin ng HLURB ang developer ng subdivision ukol sa hinihinalang paglabag sa kontrata sa pagitan ng developer at ng iyong kapitbahay na lumabag sa mga ipinagbabawal ng deed of sale. Dahil hindi naman ang developer ang lumabag ng kontrata, hindi ito maaaring gamitin na dahilan para isauli ang iyong installment. Maaari mong ipaalam sa developer ang iyong reklamo, sa tulong ng HLURB, upang tawagin ang pansin ng iyong kapitbahay kaugnay ng mga naging paglabag sa pagbabawal ng pag-aalaga ng mga hayop sa loob ng subdivision.

Senator Chiz Escudero

Ilakip ang inyong pangalan at address sa inyong ipadadalang mga katanungan at mga suhestyon. Maaari kayong magpadala ng liham sa tanggapan ng pahayagang ito sa No. 167 Liberty Bldg., Roberto Oca St., Port Area, Manila o e-mail sa chizescudero2007@yahoo.com. Maaari ring magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng text: CHIZ <space> mensahe sa 2976.


 

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 46.0700
Bahrain Dinar 122.185
Euro 56.8705
HK Dollar 5.92368
Japan Yen 0.512828
Saudi Riyal 12.2834
S’pore Dollar 33.2064
Taiwan Dollar 1.43431
UAE Dirham 12.5422
UK Pound 69.0148
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section