FRIDAY, JUNE 25, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
June 24, 2010

27-41-19-31-29-04
P5,529,799.80

6-DIGIT 9-8-7-0-4-6

1:30PM SUERTRES 1-9-9
5PM SUERTRES 4-7-8
9PM SUERTRES 4-1-5

EZ-2 2PM
29-30

EZ-2 5PM
23-12

EZ-2 9PM
12-29

SUPER LOTTO 6/49 DRAW

26-02-17-19-32-41
P24,070,132.80

 
OPINION
‘Back to square one’
Raymond Burgos
 

May katwiran ang tiyahin kong si Edita Burgos na ma-disappoint sa naging kautusan ng Korte Suprema na nagdidirihe sa Commission on Human Rights na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagdukot at pagkawala ng kanyang anak na si Jonas mahigit tatlong taon na ang nakakaraan.

“Back to square one” ang naging reaksyon niya sa naturang SC decision dahil nga dati nang nag-imbestiga ang CHR pero wala ring nangyari sa kadahilanang walang prosecutorial powers ang komisyon at pawang rekomendasyon lang ang puwede nitong gawin.

Sa madaling salita, walang ngipin ang CHR dahil nakasalalay pa rin sa Department of Justice at sa mga law enforcement agencies gaya ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang pagsasampa ng kaso sa mga suspect sa Jonas Burgos abduction case.

Kung may positibo sa muling pag-iimbestiga ng CHR ay ang muling paggisa sa mga opisyal ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army dahil sa headquarters nito sa Norzagaray, Bulacan, nakuha ang pinakamatibay na ebidensiya na mga element ng Armed Forces ang dumukot kay Jonas.

Matatandaang ang plakang TAB 194 na nakakabit sa pulang Toyota Revo na ginamit sa pagdukot kay Jonas sa Ever Gotesco Mall sa Quezon City ay orihinal na plaka ng isang AUV na naka-impound sa HQ ng 56th IB sa Norzagaray, Bulacan.

Ang plakang TAB 194 ay nakarehistro sa sasakyan ng isang Mauro Mudlong na nagsabing nasakote ng mga sundalo ng 56th IB ang kanyang sasakyan noong June 2006 dahil may lulan na mga illegally-cut logs kung kaya na-impound ito sa battalion HQ.

Battalion commander noon ng 56th IB si Lt. Col. Noel Clement na miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1985. Maging ang mga pumalit sa kanya sa 56th IB ay mga mistah niya sa PMA na sina Melquiades Feliciano and Edison Caga.

Kabilang ang tatlong army officers sa naimbestigahan ng CHR at kung hindi ako nagkakamali ay naging depensa ni Clement ay wala na siya sa 56th IB nang madukot si Jonas noong Abril 28, 2007.

Napag-alaman ko noon na naka-detail noon si Clement sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) kung saan si Maj. Gen. Delfin Bangit ang commanding general. (Napag-alaman ko rin na tao ni Bangit si Clement at sa katunayan ay naka-assign din ito sa Presidential Security Group noong hepe pa nito si Bangit).

Napagtagni ko ito dahil sa nakuhang impormasyon ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco na mga ISAFP agents ang posibleng dumukot kay Jonas at kabilang sa mga ito sina Army T/Sgt. Jason Roxas, Air Force Cpl. Maria Joana Francisco, Air Force M/Sgt. Aron Arroyo at isang alias T.L.

Ang apat na kinilalang ISAFP agents ay miyembro ng Military Intelligence Group 15 ng ISAFP at ang unit na ito ay naka-base sa National Capital Region pero puwedeng mag-operate sa iba’t-ibang panig ng bansa lalu na kapag may tinutugis na malalaking tao mula sa Communist Party of the Philippines at National Democratic Front.

Ang isang posibilidad ay may existing intelligence project si Clement laban sa mga makakaliwang grupo sa Bulacan at nang malipat siya sa ISAFP ay bitbit niya pa rin ang naturang intel project kung kaya mga ahente ng ISAFP na ang ginamit para sa implementasyon.

Ito marahil ang dahilan kung bakit sa isang intelligence report na nakuha ng ina ni Jonas ay nakalagay ang pangalan niya “order of battle” sa Bulacan at may nakasulat na “neutralized” na ang ibig sabihin sa lenggwahe ng militar ay patay na o ‘di kaya ay arestado na at nakakulong.

Malaki ang paniwala ko na may kinalaman si Clement at ang apat na ahente ng ISAFP sa pagdukot sa pinsan kong si Jonas dahil matapos ilabas ni Velasco ang mga pangalan ng ISAFP agents ay agad siyang ni-relieve ng noo’y Justice Secretary Raul Gonzalez.

Maging ang mga hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa NCR na si Senior Supt. Jigs Coronel ay tinanggal sa puwesto matapos matunton ng kanyang mga imbestigador kung nasaan ang orihinal na sasakyan na may plakang TAB 194.

May pag-asang umusad ang kaso ni Jonas kung maibabalik bilang lead prosecutor si Emmanuel Velasco na madaling gawin kung gugustuhin ni incoming Justice Secretary Leila de Lima, na dating CHR chairman na nag-imbestiga sa naturang kaso.



 
 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 46.0700
Bahrain Dinar 122.185
Euro 56.8705
HK Dollar 5.92368
Japan Yen 0.512828
Saudi Riyal 12.2834
S’pore Dollar 33.2064
Taiwan Dollar 1.43431
UAE Dirham 12.5422
UK Pound 69.0148
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section