FRIDAY, JUNE 25, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
June 24, 2010

27-41-19-31-29-04
P5,529,799.80

6-DIGIT 9-8-7-0-4-6

1:30PM SUERTRES 1-9-9
5PM SUERTRES 4-7-8
9PM SUERTRES 4-1-5

EZ-2 2PM
29-30

EZ-2 5PM
23-12

EZ-2 9PM
12-29

SUPER LOTTO 6/49 DRAW

26-02-17-19-32-41
P24,070,132.80

 
OPINION
Mahinang gabinete
Jake Macasaet
 

Base sa mga pangalang sinasabing pipiliin ni Noynoy Aquino bilang mga miyembro ng kanyang gabinete, mukhang hindi ito gaano kalakas. Marami pa ang pagpipilian.

Ang nagiging problema ay pulitika pa rin. Ang unang pinipili ay mga taong nakatulong sa kanya sa kampanya o kaya’y ang matalik na kaibigan, o kaya ay mga kamag-anak.

Ganu’n din pala, bakit naglagay pa ng search committee. Hindi naman pala maghahanap. Alam na kung sino ang pipiliin.

Balita namin ay magiging BIR commissioner si Kim Jacinto Henares. Dati na siyang assistant director ni Willie Parayno noong panahong siya ang BIR commissioner.

Siniyasat ba ng search committee ang background o nakaraan ni Mrs. Henares? Baka naman siniyasat. Kung ginawa ito, dapat alam din ni Noynoy kung bakit umalis (o pinaalis?) si Kim sa ING Bank.

Baka naman naliliitan siya sa sahod kumpara sa kanyang kakayahan. Baka naman mali ang trato sa kanya ng kanyang boss. Baka naman gusto niyang maglingkod sa pamahalaan bagaman mas maliit ang sweldo kung sahod lang ang aasahan. Bakit, meron pa bang dapat asahan.

Hindi ko iniinsulto ang kakayahan ni Kim. Hindi ko siya kilala. Pero natitiyak ko na mas maraming tax lawyer na mas karapat-dapat na commissioner ng BIR.

E, bakit si Kim pa. Balita namin matalik siyang kaibigan ni Cesar Purisima, ang magiging secretary of finance.

Unang balita, ang magiging secretary of tourism ay si Jim Paredes ng Apo Hiking Society. Ngayon iba nang pangalan. Si Alberto Lim daw na dati ay opisyal ng PAL.

Walang problema. Kaya lang si Lim ay tagapagtaguyod ng Freedom to Fly Coalition o open air policy. Ibig sabihin, hangad ni Lim na kahit sinong bansa ay pwedeng magdala ng pasahero sa Pilipinas sakay ng kanilang eroplano.

Okay lang sana. Pero hindi naman bukas ang mga bansang ito sa eroplano ng Philippine Airlines.

Kung si Lim ang magiging secretary of tourism, baka buksan na naman niya ang Open Sky policy alang-alang sa pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

E, ano bang turismo ang pinagsasabi nila. Lima na yatang airline ng ibang bansa, lalo na ang Amerika, ang hindi lumilipad patungo sa Pilipinas.

Ano ang dahilan? Dahil walang Open Skies. Mali. Ang dahilan, walang pasahero.

Ang pinaka-importante sa lahat ay ang executive secretary na hahawakan daw ni Jojo Ochoa. Si Ochoa ay city administrator ng Quezon City at law partner ni Liza Araneta Marcos, asawa ng bagong halal na senador na si Bongbong Marcos.

Hindi natin maalis ang suspetsa na baka si Ochoa ang ma­ging tulay sa pag-aareglo ng maraming kaso ng pamilya Marcos.

Hindi ito pinansin ni Noynoy dahil si Ochoa ay matalik niyang kaibigan noon pang sila ay nag-aaral sa Ateneo.

Sa madaling salita, ano ba talaga ang katangian na hina­hanap ng search committee para ang isang tao ay maging miyembro ng gabinete ni Pangulong Noynoy?

Sa halimbawa na inilahad ko, mukhang hindi kakayahan ang hinahanap. Una ay kung gaano kalaki ang naitulong sa kampanya ni Noynoy.

Pangalawa ay ang pagiging kaibigan. Pangatlo pa yata ang pagiging kamag-anak.

Hindi talaga magkakaroon ng matibay na gabinete si Pa­ngulong Noynoy kung ganyan ang sistema ng pagpili. Iyan ang dahilan kung bakit tumanggi si Avelino J. Cruz, abogado at tagapayo ni Mar Roxas noong kumandidatong vice president.

Naguguluhan siya. At talaga namang magulo.

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 46.0700
Bahrain Dinar 122.185
Euro 56.8705
HK Dollar 5.92368
Japan Yen 0.512828
Saudi Riyal 12.2834
S’pore Dollar 33.2064
Taiwan Dollar 1.43431
UAE Dirham 12.5422
UK Pound 69.0148
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section