FRIDAY, JUNE 25, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
June 24, 2010

27-41-19-31-29-04
P5,529,799.80

6-DIGIT 9-8-7-0-4-6

1:30PM SUERTRES 1-9-9
5PM SUERTRES 4-7-8
9PM SUERTRES 4-1-5

EZ-2 2PM
29-30

EZ-2 5PM
23-12

EZ-2 9PM
12-29

SUPER LOTTO 6/49 DRAW

26-02-17-19-32-41
P24,070,132.80

 
KARTADA 5
May ‘patay sindi’ sa loob ng kampo
 

Sinong mag-aakala na ang loob ng isang kampo ng militar ay mayroon ding ala patay sinding libangan. At habang tuloy ang ligaya, tuloy din ang pagbibilang ng perang kita ng isang tusong retiradong opisyal na may pakana sa negosyong hinahawakan mismo ng kanyang supling.

Ang kampon ng kamunduhan ng retiradong ito ay matagal ng namamayagpag sa kanyang negosyo sa loob ng kampo simula nang matalaga siya dito. At hanggang sa magretiro ilang buwan na ang nakararaan ay tuloy pa rin ang kanyang negosyo!

Alam noon ng kapwa opisyal nito na minsa’y tinawag niyang boss ang kanyang negosyo, subalit ang nakapagtataka ay kung bakit dedma lamang ang huli hanggang sa ito’y mag-fade away. Alam din kaya ito ng kanyang sumunod na boss na nagretiro na rin?

Ayon sa taong-gala sa loob ng kampo na nagnguso sa ABANTE kung saan nakapuwesto ang ala patay sinding negosyo ng tusong retiradong ito, magkahalong mga sundalo at sibilyan ang regular na kustomer nito. Samakatuwid, bukas na bukas ang gate ng puwesto para sa publiko.

Paminsan-minsan, ayon kay taong-gala, ilang beterano din na nakasagupa ng mga sakang noong World War II ang nagagawi sa puwesto, na sa kalauna’y tila nagpa­lista na rin bilang regular customers ng tusong retiradong opisyal na ito.

Kaparehas din ng ordinaryong puwesto ng liba­ngan ang presyo ng beer at pulutan na inihahain ng supling ng tusong opisyal sa kanyang mga kustomer.

Kapag lumalalim na ang gabi, darating na ang isa o dalawang van, depende sa dami ng um-order, na naglalaman ng mga bebot at puwede nang mag-table ang mga kustomer.

Kung si Mang Teban lamang ang tatanungin, dapat lamang na tabasan ang kamunduhan at katulisan ng tusong retiradong opisyal na ito. Saliksikin niyo siya. Ang kanyang inisyal ay “A”, as in “Aer”. At ang kanyang codename ay “Mr. T”, as in Mr. Tulis.

 

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 46.0700
Bahrain Dinar 122.185
Euro 56.8705
HK Dollar 5.92368
Japan Yen 0.512828
Saudi Riyal 12.2834
S’pore Dollar 33.2064
Taiwan Dollar 1.43431
UAE Dirham 12.5422
UK Pound 69.0148
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section