|
SA tagal nang pagkakilala namin ni German Moreno dating back to his janitorial days at Clover Theatre, sinusulat naman namin siya at pinagtatanggol sa mga umaapi sa kanya.
Pero pag ako ang may kaaway, wala naman siya. Okay lang. Understandable naman kasi artista siya.
Pinagtaasan ko lang ng kilay si German nu’ng kupkupin niya ‘yung walang utang na loob na Hero Angeles - pangalan pa lang eh disgrace na sa ating mga National Heroes, huh!
Humingi ng tulong sa akin ang magkapatid na Hero at Henry na inaaway daw sila ni Cristy Fermin kaya kailangan nila ng abogado at inabangan nila si Atty. Alentajan sa paglabas nito sa Araneta Coliseum matapos manood ng basketball.
Kung anu-ano ang sinasabi nila tungkol kay Cristy. Later on ay kaming dalawa na ni Cristy ang kaaway ng magkapatid. Nagkasagutan pa nga kami sa “The Buzz”. From that day on, binitiwan ko na ang aking mga salita na walang mangyayari sa artistahin na ‘yan!
Akala nga ni German Moreno ay makakatulong siya sa Hero na ‘yan na kamote namang umarte at kaduda-duda rin naman ang gender, dahil halos pareho sila ng ugali ng kuya niya. ‘Yung Henry na ‘yun ang maangas.
Pinagsabihan daw si German na para na lang silang naglolokohan! Anong hinihintay ng Henry na ‘yun, magkatotohanan sila ni German?
Hayan nga at ipinasok daw ni German si Hero sa “Endless Love” nina Marian at Dingdong, pero hindi raw nagustuhan ng kuya/ate ni Hero ‘yung role at tinanggihan.
Uhum, may lakas ng loob tumanggi ang no name na namey, huh! So, ano ang ending ng angas ng kapatid ni Hero? Hindi nag-report for taping si Hero sa “Walang Tulugan” dahil siguro napuyat?
So, ngayon, natikman din ni German Moreno ang ginawa sa akin ng Hero Angeles na ‘yan na modelo at hero ng kawalang-utang-na-loob? Ano ngayon ang feelings ni German ha, Edd de Leon?
“If it happened to me, it can happen to you,” ‘yan ang madalas kong ipaalala sa mga kafatid sa panulat to beware of wannabees in sheep’s clothing. But nobody really listens. Except Madam Malou Choa Fagar lang yata? Hahahaha!
Si Jake Vargas na lang kasi ang asikasuhin mo, German!
***
Ngayon inamin na ni John Lloyd Cruz na sila na nga ni Shaina Magdayao - abangan ang susunod na kabanata. Group of army ng mga reporters naman ngayon ang gagawa at mag-aabang ng paghihiwalay ng dalawa.
Magsisimula muna ‘yan sa munting away, then selosan and finally -break-up na. Breakdown na ‘yung girl Syempre!
***
Parang dedma at maging disimulado ang pagpapa-disapir kay Willie Revillame sa eksena, may mga bagong shows na hawig sa Wowowee ang ilalabas ng ABS-CBN.
Isang game show for Kris Aquino. Then ‘yung game show din for Billy Crawford and Luis. ‘Yung kina Gary V. and Martin na “Twist & Shout” pang-Sabado lang daw.
So, kelan at saan pa isisingit ang idol nyong si Willie?
***
After 7-years ay nakatuntong muli sa Pilipinas ang mag-asawang Odi at Dina Maningas na may show na ipuprodyus sa Metro bar na tampok yata si Jun Polistico? Hindi pa klaro sa akin ang ibinalita nila dahil choppy ang kausap namin sa phone.
Scheduled kaming mag-meet ng mag-asawa. Ang biyuda ng magaling na aktor na si Dindo Fernando na si Cory ay paalis na rin pabalik ng Los Angeles where she and her children have been based nu’ng mawala na si Dindo. Pero manonood daw muna ng ASAP si Cory this Sunday with her friends.
Si Ace Cruz naman ay nagtatagal sa Boracay matapos siyang manggaling sa Cannes Film Festival kung saan nai-book ang movie niyang dinirek na “Outrage” na ipapalabas in our local theaters.
Nag-enjoy si Ace sa Boracay with his son kaya kumuha na sila ng apartment doon. Doon daw bubuo si Ace ng isang bagong tema sa susunod niyang gagawing pelikula. Ah okay!
|