FRIDAY, JUNE 25, 2010 ARCHIVES ABOUT US

LOTTO 6/42 DRAW
June 24, 2010

27-41-19-31-29-04
P5,529,799.80

6-DIGIT 9-8-7-0-4-6

1:30PM SUERTRES 1-9-9
5PM SUERTRES 4-7-8
9PM SUERTRES 4-1-5

EZ-2 2PM
29-30

EZ-2 5PM
23-12

EZ-2 9PM
12-29

SUPER LOTTO 6/49 DRAW

26-02-17-19-32-41
P24,070,132.80

 
CRIME STORIES
7 niratrat ng nag-amok na sundalo
(JB Salarzon)
 

Naging sanhi nang pagbagal ng daloy ng trapiko ang nagkalat na mga basag na bote sa kahabaan ng South Super Highway nang bumagsak ang bote ng softdrinks sa ten-wheel truck habang nililinis ng mga pahinante. (Rusty Roman)

 

 

 

 

Isang lasing na sundalo ang nag-amok at nakapatay ng isang sibilyan at makasugat ng anim katao dahil sa walang pakundangang pagpapaputok nito sa labas ng detachment bunsod ng hindi pagkakaintindihan sa kanyang misis sa Barangay Iloco Nuevo, Mawab, Compostela Valley kamakalawa.

Sa report ni Lt. Col. Norman Zuniega, commander of 72nd Infantry Battalion, naganap ang pag-amok ng suspek na si Technical Sergeant Fredo Argueles gamit ang kanyang ripleng M-14 dakong alas-11:50 ng umaga.

Nasawi si Freddie Neri, 49, na nagtamo ng ilang bala sa katawan.

Kasama noon ni Neri sina James Teodocio, 39; Ramel Bakayan, 22; Mark Eric Esada, 20; Predy Manegos, 16; Rene Rulona, 25 at Teddy Pastores, 24, at paparaan sana sa harapan ng detachment nang salubungin sila ng awtomatikong pagbugso ng bala mula sa M-14 ni Argueles.

Agad na dinala ang anim sa pagamutan para malapatan ng lunas habang minalas na ma-dead on the spot si Neri.

Ayon kay Zuniega, nag-away si Argueles at kanyang asawa hanggang sa mapikon nang tuluyan si Argueles at kinuha ang kanyang M14, lumabas sa kanilang kubo at walang habas na nagpaputok.

Sa kanyang pagtakas agad namang tinugis ng mga kapwa sundalo nito at nakorner ito dakong alas-3:00 ng hapon sa isang plantasyon ng saging.

Nakipagpalitan ng putok ang suspek sa mga tumugis na sundalo. Matapos humupa ang putukan ay nagtagpuang patay si Argueles dakong alas-4:15 ng hapon.

 
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 46.0700
Bahrain Dinar 122.185
Euro 56.8705
HK Dollar 5.92368
Japan Yen 0.512828
Saudi Riyal 12.2834
S’pore Dollar 33.2064
Taiwan Dollar 1.43431
UAE Dirham 12.5422
UK Pound 69.0148
 
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section