 |
Sa larawang ito na ipinamahagi ng Government House, nakipagkamay si Australian Prime Minister Julia Gillard, (nasa kaliwa) kay Governor General Quentin Bryce matapos itong manumpa bilang prime minister sa Government House sa Canberra, Australia nitong Huwebes, June 24, 2010. Ang Australia ay nagkaroon ng kauna-unahang babaeng prime minister matapos patalsikin ng ruling party si Prime Minister Kevin Rudd at itinalaga ang kanyang deputy, si Gillard, bilang leader. (AP Photo)
|
Bangungot ang inabot ng tatlong Pinay domestic helper na magkakasamang naninilbihan sa isang pamilya sa Saudi Arabia matapos na hindi pasahurin sa loob ng limang buwan, paulit-ulit na patikimin ng kalupitan at paliguan ng maaanghang na kataga ng babaeng Syrian na maybahay ng kanilang employer na Palestinian.
Bunsod nito, napagdesisyunan ng tatlong Pinay maid na pawang hindi na pinangalanan na lumapit at magpasaklolo sa Philippine Embassy sa Riyadh.
Ayon sa tatlong Pinay, limang buwan nang hindi binabayaran ang kanilang suweldo na nagkakahalaga ng SR1,000 kada buwan.
Dahilan sa hindi pagbabayad sa kanilang sahod ay suspendido rin ang pagpapadala ng pera ng tatlo para sa kani-kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.
Inihayag ng mga Pinay na nakahanda silang lumipat sa ibang sponsor na sana’y mabait at makatao naman umano o kung hindi man ay uuwi na lamang sila ng Pilipinas.
Batay kay Philippine Ambassador Antonio Villamor, inilapit na ang reklamo ng tatlong Pinay DH sa Philippine Consulate sa Jeddah.
Hindi na umano makayanan pa ng tatlong Pinay ang nararanasang pang-aabuso mula sa kanilang amo, bukod pa sa hindi rin sila pinasusuweldo.
|