PUMAYAG na si Farrah Fawcett na magpakasal kay
Ryan O’Neal, ang kanyang longtime companion. Sa interview
ni Barbara Walters sa 68-year old Hollywood actor para sa 20/20
ng ABC, ikinuwento ni Ryan na inalok niya ng kasal si Farrah at
pumayag ito.
Sinabi ni Ryan na magpapakasal sila ni Farrah kapag masasabi na
nito ang salitang “Oo”.
Matagal nang bedridden si Farrah dahil sa anal cancer na na-diagnose
noong 2006. Patuloy ang aktres sa pakikipaglaban para sa buhay niya
at sa kabila ng kanyang declining health, sinabi ni O’Neal
na matutuloy ang kanilang kasal. May isang anak sina Farrah at Ryan,
ang 24-year old na si Redmond.
|