www.abante-tonite.com
 
 
 

Dawn, hands-on mom kay Ayisha

(RUEL MENDOZA)

 

LAST June 22 ay iniluwal na nga ni Dawn Zulueta ang ikalawang anak nila ng kanyang mister na si Anton Lagdameo. Isang baby girl nga ang ipina­nganak ni Dawn na pina­ngalanan nilang Ayisha Madlen Lagdameo.


Pinanganak via C-section ang bagong baby ni Dawn at masayang-masaya ang kanyang mister dahil may boy at girl na sila.


Four years ago ay isinilang ni Dawn ang kanilang unang baby na si Jacobo after more than eight years ng kanilang pagsasama.


Inamin nga ni Dawn na mas nahirapan siya nga­yon sa pagbubuntis kay Ayisha kesa noong una siyang nagbuntis kay Jacobo. May kinalaman na raw kasi sa kanyang edad kaya mas nabibigatan siya sa ikalawang baby niya.


Hindi pa masabi ni Dawn kung kelan siya makakabalik sa showbiz dahil magiging hands-on mom siya sa bago nilang baby ni Anton. Huli ngang napanood si Dawn sa pelikulang Magkaibi­gan noong 2008 at sa fantaserye na Lastikman sa ABS-CBN 2 noong 2007.

 

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Moni ca Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section