www.abante-tonite.com
 
 
 
Wendell, ‘di pa talent ni Perry
(ROSE GARCIA)

 

ITINANGGI ni Perry Lansigan ang kumakalat na balita na siya na ang bagong manager ni Wendell Ramos. Si Wendell ay isa sa mga naiwang alaga ni Tito Douglas Quijano.


Usap-usapan nga ‘yon noong pa-siyam na mass for Tito Dougs sa Imperial at nakarating din mismo kay Perry ang balita dahil marami na raw agad ang nagtatanong sa kanya kung totoong siya na nga ang manager ni Wendell, nakaburol pa lamang si Tito Dougs.


“That’s not true!” ang sagot sa amin ni Perry.


Ayon sa manager ni Dingdong Dantes, wala raw silang anupaman na napag-uusapan ni Wendell in-terms of him managing Wendell. In fact, noong una’t-huling magkausap daw sila na ika-dalawang gabi na raw sigurong nakaburol si Tito Dougs at aksidenteng nagkita sila sa GMA gazebo, ang kabaitan pa raw ng nasirang manager ang pinagkukuwentuhan nila.


May sinabi raw sa kanya si Wendell sa text message after na, “thank you in advance,” pero, hindi raw niya alam kung ano ang ipinagpapasalamat na ni Wendell.


Other than that, wala na raw silang anumang pinag-usapan, especially, in-terms of management.


Kuwento pa ni Perry, may kasunduan na raw sila ng mga alaga na sina Dingdong, Geoff at Gabby Eigenmann na kung may bagong talent na madaragdag sa kuwadra niya at magiging kapatid ng mga ito, bago pa man ay kailangang ipaalam din sa kanila.


Which is, if ever man, wala raw nakikita si Perry na magiging problema dahil mabait naman daw si Wendell. At aniya, naging napakabait din daw ni Tito Dougs sa kanya na feeling niya, kung ang magiging pagtulong niya kay Wendell ay makakapagpasaya rito, gagawin niya.


But again, binigyang-diin niya na walang-wala pa raw silang napag-uusapan o sinasabi si Wendell sa kanya, kaya mali raw ang sabihing siya na ang bagong manager ng actor.


 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section