ABOT-TENGA pa rin ang smile ni Bisaya dahil sa
mataas na ratings na nakukuha ng Zorro ng anak niyang si Richard.
Heto nga at kahit sinasabi nilang sobrang lakas ng May Bukas
Pa? ng ABS-CBN, wagi pa rin ang Zorro, na nakakuha ng 34.0, habang
27.8 naman ang sa May Bukas Pa?
Hala, Annabelle, ituloy mo lang `yang pag-smile mo na `yan!
***
Ngayong
araw na ito (June 24) ay magdiriwang ang Philippine National Red
Cross ng ika-150 taon na anibersaryo, kasabay rin ng selebrasyon
ng International Red Cross Movement.
Ngayon din ay ilulunsad ng Red Cross, katuwang ang Star Records
ng isang album na pupukaw sa mga damdamin ng bawat Pilipino upang
maging matatag na mamamayan sa kabila ng hamong nararanasan. Isang
compilation ng mga awitin na may pamagat na I Move. I Give. I Love.,
kasama ang theme song ng PNRC na Bagong Umaga, na isinulat ni Jonathan
Manalo, at ni Chairman Richard Gordon.
Ang mga tinig nina Toni Gonzaga, Yeng Constantino at Erik Santos
ang maririnig sa album na ito. Sabi ni PNRC Secretary General Gwendolyn
Pang, sadya nilang pinili ang tatlo para awitin ang theme song ng
150th anniversary ng PNRC, dahil naniniwala sila sa kakayahan
ng tatlo.
“It’s an honor na makasama sa family ng Red Cross,”
say ni Toni.
“Hindi lang naman sa pagdu-donate ng dugo ang paraan para
makatulong sa Red Cross. May iba silang programs kung saan hindi
kailangang mag-donate ng blood,” sabi naman ni Yeng.
“Ang pagiging part ko ng project na ito ng Red Cross ay malaking
bagay para sa akin. Isang paraan ito para maka-reach out ako sa
tao, sa pamamagitan ng musika na puwede kong ihandog para sa kanila,”
sabi naman ni Erik.
Anyway, dahil ang main spirit ng album ay magbahagi at mag-abot
ng tulong, hindi nagpabayad ang tatlo sa kanilang pagkanta, at inialay
nila ang kanilang mga boses na walang hininging kapalit.
Ang kikitain ng album na ito ay mapupunta sa Red Cross.
|