BOSTON (AP) --- Nahaluan ng kaguluhan ang selebrasyon ng
mga Celtics fans matapos magkampeon ang Boston sa NBA.
Umabot sa 22 katao ang inaresto ng pulisya pagkatapos makuha ng
Celtics ang kanilang ika-17 NBA title. Ang 10 ay binasahan ng sakdal
sa Boston Municipal Court ay inaresto dahil sa disorderly conduct.
Sinira ang ilang salamin ng mga tindahan malapit sa TD Banknorth
Garden sa sobrang tuwa ng mga tao matapos kubabawan ng Boston ang
Los Angeles Lakers, 131-92, sa Game 6 ng NBA finals.
Nanawagan ng mas mabigat na kaparusahan si Mayor Thomas Menino para
sa mga nahuli na tinawag niyang ‘punks’.
At para makontrol ang kaguluhan, nagdagdag pa ng mga pulis na magpapatrulya
at naglagay ng video surveillance sa ilang piling lugar sa lungsod.
Nabahiran na ng ilang insidente ng kamatayan ang magulo ring pagdiriwang
sa championship celebrations ng New England Patriots at Boston Red
Sox.
Sa kabilang banda, maghihintay ulit ng hanggang susunod na taon
ang Lakers para masungkit muli ang kampeonatong nakawala sa kanila
sa loob ng anim na laro.
May pag-asa dahil siguradong babalik na ang big man nilang si Andrew
Bynum, at tiyak na muling sisingasing sa pagbabalik si regular season
MVP Kobe Bryant.
Mula nang mawala si Shaquille O’Neal noong 2003-04 season
pagkatapos ng tatlong championship rings, maluwag na ang opensa
at depensa ng Lakers sa ilalim.
Tiyak na mag-iiba ang timpla ng Lakers kapag naglaro na ang 7-foot,
285 pounds na si Bynum at nasa forward ang 7-0 na si Pau Gasol,
na kinuha ng Los Angeles mula sa Memphis noong February.
Malaking tulong si Gasol sa paghahari ng Lakers sa Western Conference,
pero kulang ang 250-pounds niya para makipagbalyahan sa mas malalapad
na sentro.
“They overran us. Garnett knocked Pau down in the lane and
scored an easy basket in the first four or five possessions and
set kind of a tone,” komento ni Lakers coach Phil Jackson.
Limitado ang mga opsiyon ni Bryant dahil hindi ito makasalaksak
sa loob, samantalang nagpipiyesta sa drives ang Celtics.
“Rebounding and shot-blocker in the middle. He solves a couple
of those,” sagot ni Bryant nang tanungin kung ano ang magagawa
ni Bynum sa team.
Bago ma-sideline noong Jan 13 dahil sa knee injury at surgery, nag-a-average
si Bynum ng 13.1 points, 10.2 rebounds, 2.06 blocks at may league-high
63.6 shooting percentage mula sa floor.
Nanood na lang sa sidelines ang 20-anyos na si Bynum habang minamasaker
ng Celtics ang kanyang team.
|