GABAY NG DIYOS

Bakasyunistang OFW patay sa holdap
(Mark Manabat)

 

CAMILING, Tarlac --- Isang OFW na nagtatrabaho bilang nurse sa Middle East na kauuwi lang sa bansa upang makapiling ang pamilya ang nasawi matapos na barilin sa harap mismo ng 7-taong gulang na anak nito ng mga holdaper.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Susan Alonzo y Sonopo, 42, residente ng Bgy. Bacabac dito, isang buwan pa lamang na nagbabakasyon sa bansa.


Samantala nadakip naman agad ang tatlong suspek na kinilalang sina Ricardo de Guzman, 39, may-asawa at Mark Joseph Bacani, 19, binata, kapwa ng Bgy. Baliti Sur, San Carlos City at Enrico Mundo y Bato, 35, may-asawa ng Pangdel, Ba­yambang, Pangasinan, sa isinagawang malawakang dragnet operation na ini­lunsad ng pulisya.


Batay sa ulat na isinumite ni P/Chief Insp. Emmanuel Nunag, hepe ng Camiling Police Station kay Tarlac PNP provincial director, Sr. Supt. Rudy Gamido Lacadin, dakong alas-11:55 kamakalawa, kasama ang asawa at 7-taong gulang na anak na babae ay nagtungo sa bangko ang pamilya upang magdeposito ngunit nakaramdam ng pagkauhaw ang bata kaya’t kasama ang ina ay lumabas ng bangko ang mga ito at bumili ng softdrink sa isang tindahan.


Dito na lumapit ang isa sa tatlong suspek na magkakaangkas sa isang pulang Honda wave motorcycle at tinutukan ang ginang kasabay ng pag­hablot sa bag nito ngunit nanlaban ang biktima hanggang barilin ito ng suspek na nakatangay sa bag ng biktima na may lamang P322,000 pera, alahas at cellular phones.

 
 
              Search for keyword
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section