Dagdag na P4 sa pasahe ang hinihingi
ngayon ng ilang Metro Manila bus operators sa Land Transportation
Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nabatid na pangungunahan ng Metro Manila Bus Operators ang nasabing
P4 fare increase para sa unang apat na kilometro na mula sa kasalukuyang
P8 ay magiging P12 at karagdagang 40¢ sa susunod na kilometro
na mula sa kasalukuyang P1.75 ay magiging P2.15 para sa mga ordinary
bus.
Samantala, sinabi ng grupong Mega Manila Operators Drivers
Alliance (MMODA) na hindi nito suportado ang nais na mangyari ng
mga nasabing transport group.
|