May itinatagong lihim ang isang party-list
representative sa kanyang mga kapwa mambabatas dahil hanggang
sa ngayon ay pinagdududahan pa rin ang kanyang kasarian.
Sa unang tingin, aakalain mong lalaki at pamilyadong
tao na itong mambabatas na ito pero lingid sa kaalaman ng
lahat ay isa pala siyang miyembro ng third sex.
Ayon kay Mang Teban, nabuking ang pagiging Eba ni congressman
nang minsan siyang kwentuhan ng kanyang mga staff na may multo
silang nakita sa kanilang tanggapan sa Batasan Complex.
Noong una, tinawanan lang umano ni Congresswoman, este, Congressman
pala, ang sinabing multo ng kanyang mga staff. Subalit nang
minsang magkaroon ng brown out sa Kamara, nagtitili daw itong
mambabatas na ito at sinabing may “multooooooo dito!.
Sa takot ng mambabatas, agad na tumalilis ng kanyang tanggapan
ang kongresista at hindi na bumalik kinabukasan.
Simula noon, ani Mang Teban, hindi na umano pumapasok sa kanyang
office ang kongresista at kung dumaan man ito para pirmahan
ang mga papeles, sa upuan ng kanyang staff ito umuupo.
Pintahan n’yo na: Laging may moisturizers
sa mukha itong kongresista na ito at mahilig magpa-derma kaya
maputing maputi na ang kanyang mukha.
May Letrang M ang kanyang pangalan.
|