|
Nagwaging pangulo ng Pandacan Road Runners Club (PRRC) si Roger Palileo sa katatapos lang na halalan ng mga opisyal nito.
Kasamang mga naluklok upang ,manungkulan ng 46-anyos na nakatapos na ng 10-kilometrong takbuhan at isang electronics technician ng Betacolor sa may tatlong taong gulang na organisasyon, si Orlando Canlas bilang vice president.
Gayundin sina Annaly Alcantara, secretary/muse; Reynaldo Rotulo, treasurer; Jose Panelo, auditor; at Richard Gomes, auditor. Mga director naman sina Edgardo Placido, Ruel Maquirang at Robert Ubungen.
Kabilang sa mga proyekto ng PRRC ang pagiging aktibo sa mga patakbo sa Metro Manila sa taong ito sa pamamagitan ng paglahuk-lahok; pag-engganyo pa sa kanilang mga nasa komunidad na maging kasapi sa club at iba pa.
Sa mga interesadong sumapi sa PRRC o matuto nang wastong pagtakbo, kumontak lamang sa 8213- 292 o tumawag o magteks sa mga cellular phone na 0910-3179848 at 0928-299-2560.
|